Poem - #66

171 1 0
                                    

Title: Ang Usok Ng Pagbabago

Sa hanging langhap ay nililipad ang isipan
Pagbabagong sadya at hindi mapigilan
Mga agam-agam ng kahapong lumipas
Binaon sa panandaliang paglimot, kumupas

Ang pag subok ang siyang tumawag pansin
Sa buhay na dalisay ngayo'y naging alipin
Pinilit alisin sa sistema't pag-iisip
Ngunit dala-dala kahit sa pag-idlip

Noong tahimik lang ay napakatiwasay
Maayos ang takbo, ang dali-dalisay
Pawang kamusmusang di maitatago
Ngayo'y sinakop ng hanging mapanibugho

Hanging sariwa bakit mo pinalitan
At ngayo'y biktima ng kahungkagan
Kahapo'y nilimot, ang mga gawang tama
Ngayo'y napalitan ng galaw kong walang kwenta

Kelan mahihinto ang hangin ng pagbabago?
Kailan sisimulan ang buhay na nabato?
Bukas sana'y gisingin na ang utak ko'y sariwa
Panibagong pakikibaka, sana aki'y matamasa.

11.15.2015

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon