Poem - #15

658 3 3
                                    

Title: Sa Aking Pamilya

Simula't sapul ay nakagiliwan ko na
Ang sundin ang patakaran ng aming pamilya
Sa lungkot, sa sakit, sa tuwa at saya
Sa bawat araw, puno ng pagpapahalaga.

Sa gawaing bahay hindi nagtutulakan
Masayang nagsasalo sa hapag-kainan
Makinig, manood at nagtutulungan
Sa aking pamilya, lahat ay natutunan

Si Ate kong mahal ang nangunguna
Galaw ay bantay namin, kilos at gawa
Si bunsong makulit ang siya namang bida
Sa aming pamilya ay ginagawa naming manika

Si Kuya kong matipuno at makisig
Sa bawat gawain, siya ay masigasig
Minsan ay nangunguna sa pagkakapit-bisig
Kaya siya naman ay aming iniibig

Si Nanay na init ay di alintana
Maghapong nabilad sa araw, naglalaba
At pagsapit ng gabi kami asikaso niya
Sa pagkain, pagtulog at paggising sa umaga

Si Tatay naming mahal ay nagtatrabaho
Magmaneho ng traysikel, magbuhat ng troso
Ang pangangailangan ay pilit mapuno
Ipinagmamalaki namin ang Dakilang Tatay na 'to

Pag-ibig ang siyang nagbigkis sa amin
Pag-uunawa ay amin ding hiling
At paglipas ng taon, kami'y ay magkakalayo
Sa isang taon, isang beses na lang pinagtatagpo

Nasaan na ang pamilya na nuon ay ramdam?
Si Ate at Kuya, si bunsong nagdamdam?
Si Nanay ay kay layo, ang makita siya'y asam
Si Tatay ay wala na, di na babalik kailanman

Dakilang panalangin ko, gabayan lagi na
Ang mga kapatid kong matagal ng di nakita
Pati ang aming Inang sa amin ay malayo pa
Sana umabot ito, Sa Aking Pamilya

by: @haydenagenda
October 2, 2014

Note:
Naiiyak ako habang sinusulat ko ang tulang 'to. Yan kasi talaga ang nangyayari sa pamilya namin ngayon.

@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon