Poem - #35

256 2 1
                                    

Title: Bolpen at Nutbok

Magsulat
Yan ang hilig kong gawin
Kalauna'y naging gawain na din
Ng kung anu-anong tumatakbo sa isipan
Ang paglalakbay ng diwa'y abot hanggang dalampasigan

Ang bolpen
Na hawak ko't pag-aari
Luluha ng mga salitang pili
Sa nutbok kong sinulatan ang luha'y nagmarka
Ng iba't ibang damdamin, pangarap at adhika

Sa pagsusulat
Oras di alintana
Kahit kumakalam ang sikmura
At sa paghinto ng paklalakbay ng isip
Agad kong babasahin ang sinulat kong silip

Pagkat
Sa pagsusulat ko'y nakakapaglakbay
Saan mang lupalop, sino mang kaagapay
Tanging dalangin lang na ang mga titik sa nutbok
Katulad ng bolpen ko, nakasulat ay maarok

Masaya
Paglakbayin ang kaisipan
Pagtagpuhin ang hilaga at kanluran
Sa munting piraso ng nutbok mong pag-aari
Simulan mong sulatin ang bukas mo't ipagwagi

Bolpen at nutbok
Sa kamay ko'y hawak
Pilit inaasam, pangarap kong pinalawak
Kinabukasan sana sa bolpen ko't nutbok
Ang bawat naisulat. Matupad. Maarok.

©copyright2015
@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon