Title: Iniibig Na Sana Ay Nakikita
Kung mararapatin, nais kong mamutawi sa labi ko
Ang laman ng isip ko'y ikaw at ikaw lang
Habang minamasdang araw-araw lalong nagugulo
Kung marapat bang ito'y isasaalang-alang
Pagkat ang araw ay lumilipas at nadadaragdagan
Nararamdamang di kailanman ninais at mapagtanto
Pagkat ang mahalin at ibigin kang lihim ay isang kasalanang
Ni sa panaginip ay di pwedeng magkatotoo
Ngunit bakit kailangan kong saktan ang aking sarili?
Kung nagmamahal ako't napapasaya
Sapagkat ang puso ko'y biglaang tumibok at ikaw ang napili
Kahit ba hanggang tingin lang ako at napupuno lang ng sana
Bakit kasalanan ang magmahal ng isang katulad mo?
Hindi ko naman naturuan ang puso't isipan
Kung sana'y pwede kong baguhin ang pagkatao
Ngunit baliktarin ma'y ikaw pa din ang nilalaman
Ayokong umasa dahil alam kong walang anggulong tama
Ayokong itama dahil ayokong masaktan
Ngunit kong mararapatin sana ako'y hayaan na
Ibigin kang lihim kahit di nakikita at nararamdaman.
#forbiddenlove #forbiddenlips #forbiddensmile
BINABASA MO ANG
Poem
PuisiSometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...
