Title: Maghihintay
Gabi na naman
At sa bawat sumisilip na mga tala sa kalangitan
Ang nagtatagong pait at sakit na nararamdaman
Unti unti naghihikayat sa mga matang malamlam
At sa pagtulo ng luha sa pisngi, bumabalik ang nakaraanPilitin ko man ang sarili na tanggapin ang lahat
Ang bawat tumatakbo'y kaligayahan na salat
Di maitago ang pangungulila sa iyong yakap
Dama pa din ang mga labi nating naglalapatSa pag-iisa'y lalo lang nakakadama
Katahimikang di ko inalintana
Mula nang iwan mo'y pinilit kong magpakasaya
At sa bawat pag-iisa'y ikaw pa din ang naalalaKalimutan at harapin ang nakaabang
Ang sa aki'y sabi ng mga matatalik na kaibigan
Pag sa labi sumilay ang ngiti ang tawa
Di pa rin maitago ang lungkot na nadaramaKalimutan ka ang siyang pilit na gagawin
Ang tanggapin ang katotohana'y damhin
Kahit ngayong alaala ng nakalipas natin
Ang tumatakbo sa utak ko at damdaminPatawad ba ay sapat para muling lumigaya?
Paumanhin pero di ko alam ang aking ginawa
Patawad ay di dapat mamutawi sa aking sarili
Nais lang marinig ang dahilan mula sayong mga labiPuso ko ay sarado at tanging ikaw ang hihintayin
Mag aabang upang ako'y muli mong tanggapin
Subalit kong ikaw ay di ko na maangkin
Salamat sa alaalang pilit ko na lang sarilinin.by: @haydenagenda
Sep 10, 2014Note:
Pasensiya na di pa din ako maka get over sa break up with #Cece

BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...