Poem - #23

427 4 8
                                    

Title: Natutulog Kong Puso

Imulat na ang mata
Sigaw ng isip kong nanghahalina
Na damhin ang samyo ng bawat panibagong buhay
Pakikipagsapalarang dalisay

Pilitin man ay hindi
Ang pag gising ay parang pagharap sa mali
Pakikipaglaban sa katotohanan at kamalian
Na gustong kong makalimutan at pilit iwanan

Hindi pa ako handa
Na bawat pighati ay ibalik at buksan sana
Ang pagharap dito'y di ko kaya, hindi ngayon
Kung anu't anuman sa kamalian wag ituon

Putragis! Pag puso nasaktan
Gusto kong kitilin buhay ninuman
Wala akong pakialam
Basta ba ako wag lang sa mundo'y magpaalam

Leche! daw ang sigaw
Ang sigaw ng kapitbahay namin at hiyaw
Wasak ang puso, walang mapagsabihan
Matapos ang damdami'y napaglaruan.

Nakanampo! Bwisit na puso!
Pilit mang gisingin di magawa-gawa
Natutulog kong puso di na titino
Kun gumising man ay walang mapapala

Pagkat sigaw ay siya pa rin!
Buwisit man! Magdadasal na kang na karmahin
Ang yumapak sa puso kong bigo
Dalangin ko'y bukas ang buhay mo'y gugulo

Pero di ako Diyos
Kahit tulog man ang puso'y di ako aayos
Na ika'y ilagay sa pedestal
Ng wasak na puso at karumal dumal!


By: @haydenagenda
Nov 4, 2014

Recovery stage pa din ba hanggang ngayon?

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon