Title: Batang Agham sa Bagong Milenyo Piece #2
Bata
Ang tanging pag-asa ng kinabukasan
Tagapagligtas kang naturingan
At taga-ahon sa lahat ng kahirapanBata
Ikaw ay dapat makiisa
Sa'yo nakasalalay ang pag-unlad ng bansa
Ikaw ang magiging bayani ng bagong pag-asaBata
Kinabukasan mo'y dapat mong maabot
Na walang dalawang isip, sa ulo'y pagkamot
Isipin mong ikaw ay hindi takotBata
Sa pag gising ng bagong umaga dapat ay naroon ka
Nangunguna sa lahat ng gawain at adhika
Pagkat pag-asa ka ng Ina mong malaya**
Another contest piece sana way back college years na hindi umabot pero tago ko pa din.©copyright2015
@haydenagenda
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...