Para sa kahapong nakalibing na
At pilit na binabalik ng mga alaalang
Dulot ay kasiyahan at sakit
Pighating pilit kinukubli pagkat
Ika'y masaya na habang ako'y
Alipin pa din ng isang kwentong
Minsan na nating sinimulan
Sinulat ang bawat talata
Binaybay ang bawat detalye
Kung paanong ang ating puso ay pinag-isa
Pinagsama upang lakbayin ang mundo
Na kung tawagin nila ay paraiso ng pag-ibig
Mundo ng kasiyahang walang pagsisidlan
Ngunit buong tapang nating hinarap ang
Mga kakulangang nagpatibay sana...
Ng ating pag-iibigan
Isang kahapong di ko nais pa sanang balikan
Ngunit sa tuwing ang ihip ng hangin
Ay tila dinuduyan ako sa kalungkutan
Ay siya kung nagugunita, pumapasok sa aking isipan
Lumalabas sa bawat parte ng utak ko
Ngunit bakit?
Bakit?
Bakit sa kabila ng lahat ay tila
Isang kuwentong binura ang ating kahapon?
Isang tulang puro kuwit at tinuldukang bigla.
Masakit.
Masakit pala ang isipin ang nagdaan
Kaya nga nandito ako
Sa harapan ng kahapon ay pipilitin kong
Iwaksi ka na
Pagkat ika'y tuluyan ko ng palalayain
Buburahin
Aalisin
Kalimutan
Gaya ng pagkalimot mo sa ating nakaraang ikaw ang nagtuldok.
Isang tula.
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...