Poem - #51

207 1 0
                                    

Title: Batang Agham sa Bagong Milenyo - Piece #1

Kahapon lang ika'y nakita ko
Ginagawa'y mga bagay na imbi-imbento
Gumagawa ng mga karitong gagawing sasakyan
Na magagamit daw sa tag-araw at tag-ulan

Gumawa ka ng payong na pang-isahan lang
Gumawa ka ng laruang panlupa at pandagat man
Ipinakita mo ito sa ina mong mapagmahal
Ika'y hinalikan at tinawag kang maka-agham

Ngayon nakita kita sa isang pahayagan
Pangalan mo'y sumikat sa isang larangan
Larangang sa paggawa ng makabuluhang bagay
Ang pangalan mo ngayo'y iwinawagayway

Ganyan nga bata dapat kang tularan
Iniisip mo'y para sa lahat na walang kaalaman
Binigyan mo ng buhay lahat ng mga kabataan
Na sa'yo ay gumaya at ikaw ang susundan.

**
This was a contest piece sana when I was still in College. Pero di umabot at di naihabol.

©copyright2015
@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon