Title: Sa Kawalan
Sila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Hingal kabayo
Nalagpasan ko na ang ilang bundok
Nakatayo na nga ako sa rurok
Pero bakit ang haba ng tinatakbo ko?
Di matapos tapos
Tila ba di din ako napapaos
Sa kasisigaw
Sa kakahiyaw
Ng tulong!Sila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Alam ko!
Nandiyan na sila!
Sa paglingon ko ay ang mga mukha nila
Hayok na ako'y madakma
Makuyog
At tila ba nababanaag ang matinding galit
"Tulong!!!"
Ang patuloy kong sigaw ng pilit
Sing bilis na ng tambol ang
Takbo ng puso ko
Sing lakas ng bagyo
Ang pag-uunahan ng mga pawis ko
Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko
Pero kailangan kong magpatuloy
Sa pagtakbo!Sila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Bakit pinapanood niyo lang ako?
Hinahayaan?
Na makuyog at mahuli?
Ng kalaban?
Sino ang humahabol sa akin?
Gusto kong intindihin
Bakit kahit walang pumapasok sa utak ko
Na dahilan
Patuloy nila akong hinabol?
Sa oras, ako'y gahol!
Marami akong dapat na gawin
Hindi ang ganitong magdamag hahabulin.
"Tulong!!!"Sila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Alam ko!
Alam ko!
Wag niyong dagdagan ang kaba ko!
Wala man akong mapalang tulong
Alam kong handa pa din akong sumulong
Magtago kung nararapat
Hindi sa kaduwagan
Kundi sa panahong gusto kong
Mag-isip
Simulan sa simula
Saan ako nagkamali?
San ako nadapa?
Kaya magpapatuloy pa din ako
Sa pagtakboSila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Masyado ng malayo
Masyado ng mahaba
Nanginginig na ang mga paa ko
Tila di na kakayanin
Ngunit sasaklayan ko ang aking sarili
Ng katatagan
Na harapin ang walang kawalan
Na takbuhin ang dulo sa dulong
Binabaybay ng mga paang
Pinipilit kong maitakbo ng maayos
Dahil ayokong maabutan
Ng kalaban ko
Sa kawalanSila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Bakit sa bawat pagtakbo ko
Sarili ko lang?
Ako lang?
Walang kasama?
Teka..
Hindi ko na ramdam ang pagsayad ko sa lupa
Wala na bang kakayanang tumakbo
Ang mga paa?
Hindi!
Hindi ako pwedeng maabutan
Kailangan kong ituloy
Ang takbuhing hindi ko alam
Ano ang pinagmulanSila:
Takbo!
Tumakbo ka pa!
Nandiyan na sila!
Maaabutan ka!
Kaya takbo na!Ako:
Tama!
Di na nga sumayad ang paa ko sa lupa
Malayo na ang agwat
Ng mga humahabol sa akin
Unti-unti na silang lumalayo
Paliit ng paliit
Hanggang tanging sarili ko na lang
Ang tumatakbo
Ang nakikita ko
Tumatakbo sa ulap
Sa ulap
Sa kawalan
At biglang nasilawan ang mata ko sa sinag ng araw
Nang nabuka'yMasamang panaginip ng nakaraan!
#selfrealization #hindrance #life #problems #villains
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...