Title: Sa Muling Pagkikita
Kay gandang umaga ang sa aki'y gumising
Masid ko'y larawan mg magandang tanawin
Ang simoy ng hangi'y sa akin ay dumampi
Tila ba ang dala'y, halik mula sa'yong labiSing tatag ng bundok sa silanga'y nakatirik
Sing sinag ng araw sa kalawaka'y nakatitik
Pagsintang ikaw lang, di nais ika'y mawala
Pagkat karugtong mo'y ang bahaghari sa langitNi sa isip, di maintindihan
Ang kalawaka'y walang pinaalam
Ang paglayo ko'y huwag mong ipagdamdam
Pagkat sa puso ko'y ikaw lamangNang dumating ka'y masaya ako
At paglayo ko'y pinasan kong mundo
Ang pagbalik ko'y iyong hintayin
Ako, tayo'y muling magkapilingSa lahat ng dako, wala ng mahagilap
Wala ng babaeng maaaring maapuhap
Ikaw lang amg tinatangi ng puso kong ito
Ako ba'y ganun din sa puso mo?Alam kong kay dami ng tanong sa isip mo
Sa muling pagkikita sana'y marinig ko
Ang araw lilipas at sa muling pagkikita
Dito sa puso ko, ika'y nag iisa**
©copyright2015
@haydenagenda
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...