Poem - #42

210 1 0
                                    

Title: Pangarap Ko

Pangarap kong...
Mabuhay at kapiling ka
At di mag-iisa
Laging hawak hawak ka

Pangarap kong...
Sisirin ang lalim ng dagat
At umahon, sa pagmulat
Mukha mo ang makita

Pangarap kong...
Liparin ang tayog ng ulap
Kaginhawaa'y malasap
Habang hawak ka't malaya

Pangarap kong...
Akyatin ang tirik ng bundok
At sayo'y ihandog
Biyayang aking tamasa

Pangarap kong...
Iduyan ka sa aking pangarap
Sa buhay ko'y malasap
Ang pag-ibig mong wagas

**
For Cristy De Villa and was written Feb.14, 2003, 10:30PM. But things were already late.

©copyright2015
@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon