KLUEN POV
“EINNN???”
“I missed you my boys!” malambing na ani ni Ein.
Meet Einstiena Liberanto‚ 20 years old. siya ang nag iisang babae sa aming mag totropa at isa rin siya sa co owner ng kazuma.
Isa siyang sikat na lawyer‚ madalang lang ito nakakapunta dito sa bar dahil busy siya palagi.“WE MISSED YOU TOO EIN!” tumayo kami at inambahan siya ng yakap‚ god. I miss this girl so much.
“ohuu!!‚ tama na hindi na ako makahinga” reklamo niya‚ bumitaw kami sa pagkakayakap sa kanya at umupo ulit.
“So how’s your life‚ Ms. Attorney?” nakangising tanong ni Nawin
“Okay lang‚ tumatakbo sa’kin yung pera araw-araw e” taas noong sagot ni Ein at nag salin ng alak sa baso.
“Straight to the point Ein‚ what are you doing here?” tanong ni Red habang nakatingin kay Ein.
Maganda si Ein‚ mahaba yung buhok niya at maputi rin siya attractive yung mata at yung makapal na kilay niya. mapupulang labi at magandang pangangatawan tsaka yung pananamit niya‚ nakasuot siya ngayon ng black na oversized t-shirt at black jeans.
Pero kahit ganon pa man siya kaganda ay hinding hindi kami nagkagusto sa kanya dahil para na kaming magkapatid.“Why? bawal na ba ako pumunta dito? pag ma-may ari ko rin naman to ah” pilyang sagot ni ein.
I know na may sadya talaga siya kaya siya pumunta dito.
“Einstiena” seryosong tawag ko sa pangalan niya.
“Oh oh!” tinaas niya ang magkabilaan niyang kamay na para bang sumusuko na.
“Spill it” ani ni Hiro.
“I know about what happen to Azrael” seryosong sagot niya‚ ang postura ng babaeng inosente kanina ay biglaang nagbago.
“Nag imbestiga na ba kayo?” tanong niya sa amin pero nakatingin siya kay Red.
“Nag imbestiga na ako sa kaso niya at pinadala ko rin ang bangkay niya kay Hiro” sagot ni Red at lumipat naman ang tingin ni Ein kay Hiro.
“Hindi normal ang pagkamatay ni Azrael” usal ni Hiro gamit ang seryosong boses.
Nakatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay sa susunod na sasabihin niya.
“I found a strange thing on his body‚ he have a bite marks on his neck.... And I also found a multiple needlestick injuries and bruise on his arms” bulalas ni Hiro at tumingin sa amin.
“My intern said‚ Azrael cause of death is Excessive blood loss”
“Imposible!” asik ni Kawi.
“But‚ hindi ako naniniwala na ’yon ang dahilan ng pagkamatay niya.... Alam naman nating lahat na sinadya siyang patayin‚ pinadala nga ang bangkay niya sa labas ng kazuma e” tinungga ni Hiro ang alak ng matapos siyang magsalita.
“Needlestick?” takang tanong ni Kawi.
“Yeah” tipid na sagot ni Hiro.
“How about yung crime scene? I mean kung saan nila iniwan ang bangkay ni Azrael‚ how about the cctv??” sabat na tanong ni Ein.
”Yeah! Tama yung Cctv!!” ani ko.
“Bakit hindi natin naisip iyon kahapon??? wtf! let’s go tingnan natin!” sabi ni Hiro at tumayo, tumayo na rin kami at akmang susunod sa kanya ng huminto ito sa harapan namin.
Ganon nalang ang gulat ko ng makita si sir Phayu kasama ang mga kaibigan niya, nakatayo ito sa harapan namin habang naka cross arm.
Shit!!
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mystery / Thriller"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...