HIRO THANAKORN POV
“Can you please let me go kuya??? nasasaktan ako!” inis na reklamo ko kay kuya Phayu.
“Masasaktan ka talaga sa’kin!” galit na sagot niya‚ naglalakad kami papunta sa labas ng bar.
“ANO BANG PROBLEMA MO?! galit na sigaw ko sa kanya‚ hindi na ako makapag timpi nang dahil sa ginagawa niya ngayon. Sinaktan niya si Kluen without knowing na kung hindi ako niligtas ni Kluen noon ay marahil wala na siyang kapatid ngayon.
Padabog niyang binitawan ang kamay ko at tumigil sa paglalakad.“YOU! IKAW ANG PROBLEMA KO‚ ANO BANG NAISIP MO AT SUMALI KA SA MGA GANITO HA HIRO?! TELL ME!” hinawakan niya ng mariin ang magkaliwang balikat ko at niiyuyugyog ang katawan ko.
“Aray—kuya‚ masakit!” reklamo ko dahil masakit ang pagkakahawak niya.
”Bro‚ stop that! kumalma ka. Kapatid mo yan” sabat ng isang kaibigan ni kuya.
“Huwag kang makisali dito Black” masama niyang tiningnan si Black na kaibigan niya kuno.
“Can you please calm down kuya??” inis na asik ko sa kanya.
“How can I calm down kung alam ko na malapit ka sa kamatayan ko ha?!!!” may bahid pa rin na inis sa kanyang boses.
“Tara na‚ umuwi na tayo at huwag ka ng babalik pa dito kahit kailan” lintanya niya.
Napahilot ako sa sinitdo ko at hindi alam ang gagawin‚ hindi ako puedeng hindi pumunta dito kasi kailangan naming matukoy kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Azrael.
“But kuya”
“No more buts‚ kung ayaw mo..... Umuwi ka nalang ulit sa thailand!”
Hindi ko na alam ang gagawin ko‚ ayokong bumalik sa thailand.
Huminga ako ng malalim at pumayag nalang sa gusto niya‚ wala na akong choice ngayon. pag iisipan ko nalang mamaya sa bahay kung paano ako ulit makakapunta dito.KLUEN POV
“Aray‚ dahan-dahan naman oy” reklamo ko kay Ein habang ginagamot niya yung sugat ko.
“Sure ka ba talaga na okay ka lang?” nag aalalang tanong ni Ynzo‚ sumunod kaagad siya dito sa Vip Room nung nalaman niya ang nangyari.
“Okay lang ako” walang ganang sagot ko. Pero sa totoo lang‚ hindi talaga ako okay.
“Kluen‚ are you okay?” wala sa sariling tanong ni Tinn at Kawi na kakarating lang.
Tumango ako sa kanila at umupo naman sila ng sabay sa sofa.
“Yung bata nasaan?” tanong ko sa kanilang dalawa‚ nagkatigigan sila ng ilang minuto at pekeng umubo si Kawi.
Pinadala ko yung bata kagabi sa condo ni Kawi dahil alam kong safe siya ron.
“Come in!” ani ni Tinn at pumasok naman ang bata‚ malinis na ito at nakasuot siya ngayon ng dress na kulay blue at naka tali ang buhok niya. ang cute niya.
“Wow‚ who’s this kid? ang cute” lumapit si Ein sa bata at pinisil pisil niya ito sa pisnge.
“Hey! mawala na yang pisnge niya” komento ni Nawin, binitawan ni Ein ang pisnge ng bata at bumalik sa upuan niya kanina tsaka tiningnan ng masama si Nawin.
“Kuya‚ na save mo na po si ate?” inosenteng tanong niya.
“Malapit na” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Talaga poo???” kitang-kita ko ang pagka excite sa kanyang mga mata.
Tumango ako at nginitian siya.
“Baby‚ halika nga... What’s your name?” malambing na tanong ni Ein‚ oo nga kahapon pa siya dito pero hindi ko pa rin alam ang name niya.
“I’m Mayi po” nakangiti niyang sagot.
Pumikit nalang muna ako at hinayaan sila‚ pagod rin ako e.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mysterie / Thriller"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...