Chapter 81

186 10 1
                                    

THIRD PERSON POV

Habang nasa loob ng bar si Kluen at Ynzo ay may mga tao rin na papasok sa loob, sila ang tauhan ng mga kalaban nila.

KLUEN POV

“Kahit kailan talaga hindi ka marunong lumaban ng patas‚ isa kang mahina. Katulad ka lang ng ama mo” banggit ko‚ napatigil siya sa pagsalin ng wine at tumingin siya sa’kin na may nakakalokong ngisi sa labi.

“Matutulad ka rin sa tatay mo na namatay” napakuyom ako ng kamao at pinipigilan ang sarili ko.

“Here” nilapag niya ang wine sa harap ko, alam kong may hinalo siya sa wine. Ngumisi ako at kinuha ang isang baso na walang laman. Sinalin ko sa kabilang baso ang half ng wine.

“Here” nakangiting usal ko at nilapit sa kanya ang isang baso, nagtitimpi niya akong tiningnan. Nginitian ko lang siya at tinaas ang baso.

“Cheers!” usal ko, tinaas naman niya ang baso at pinagbangga iyon sa baso ko tsaka namin sabay ininom ang wine.

Kung mamatay ako, mamatay rin siya.

“So‚ kailan ka pa naging halimaw?”

“Nung nalaman ko na may kinalaman ang pamilya mo at pamilya ni Hiro sa pagkamatay ng dad ko” seryosong sagot niya, mahina akong napatawa at ininom ulit ang wine.

YNZO POV

Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko‚ fuck!

KLUEN POV

Nagsisimula na’kong mahilo‚ nandidilim na rin ang paningin ko.

“Fuck!” sabay na mura namin ni Ynzo dahil katulad ko ay nahihilo na rin siya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko‚ at tatalikod na sana ng may tumutok sa’kin ng baril galing sa likod.

“Hi Mr. Walter” bati sa’kin ng lalaki, hindi ko maaninag ang muka niya dahil hilong hilo na’ko at nanlalabo na rin ang paningin ko.

Napasalampak ako sa sahig ng suntokin niya ako sa tyan at pinagsisipa pa ako.

Wala akong lakas lumaban dahil nanghihina na ang katawan ko at sobrang hilo ako.

YNZO POV

“You may go Ynzo” wika ni Mr. Dominggo, binubugbog ng mga tauhan niya si Kluen.

Si Mr. Dominggo ang nagsabi sa’kin na may kinalaman ang mga magulang ni Hiro at Kluen sa pagkamatay ng tatay ko.

“ARGGH!” napatigil ako sa paglalakad papunta sa labas ng marinig ko ang sigaw ni Kluen.

“Lumaban ka‚ lumaban ka” bulong ko.

Kinamumuhian ko si Kluen at Hiro pero ayokong masaksihan o marinig na namimilipit sila sa sakit or nasasaktan man lang dahil simula nung mawala si dad sila ang naging pamilya ko.

“Let’s go‚ sir” usal ng tauhan ko, nag aalanganin akong tumango. Nang makalabas na kami sa bar ay hindi muna.
ako pumasok sa loob ng kotse.

“Wag kang lilingon” bulong ko ulit sa sarili ko.

Gusto kong pumasok sa loob at iligtas si Kluen pero pinipigilan ko ang sarili ko, nakalimutan kong hindi pala niya kayang lumaban dahil may hinalo ako sa ininom niya kanina.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ulit ako papasok ng bar.

Kaagad kong sinipa sa likod si Mr. Dominggo at lumapit sa gawi ni Kluen upang alalayan siyang tumayo, dumudugo na ang tagiliran ni Kluen at puno na rin ng pasa ang kanyang muka.

“What is the meaning of this?” nagtatakang tanong ni Mr. Dominggo habang inaalalayan siyang tumayo ng mga tauhan niya.

“He’s still my bestfriend no matter what!” cold na sabi ko.

Pagak siyang tumawa at sinenyasan ang mga tauhan niya na sugurin kami ni Kluen.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now