BLACK POV
Kanina ko pa sinusundan si Hiro, dahil sobrang sama talaga ng kutob ko. Nakasuot ako ng all black at pinaresan ko ng itim na kalo para hindi ako mahalata ni Hiro‚ nandito ako ngayon sa airport kung nasaan si Hiro.
Habang sinusundan ko siya ay may napapansin akong limang lalaki na sumusunod din sa kanya‚ sobrang dami ng tao ngayon. sunod lang ako nang sunod kay Hiro hanggang sa may nabangga akong lalaki.
“Sorry” panghingi niya ng tawad. “Okay lang” ani ko at tinulungan siyang pulutin yung mga gamit niyang nahulog.
“Shit!” mura ko ng mawala sa paningin ko si Hiro.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number niya.
Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng sagutin niya na ang tawag.“B-black‚ h-help” nabura ang mga ngiti sa labi ko ng marinig ko ang boses niya.
“Where are you??” nag aalalang tanong ko sa kabilang linya, wtf!
“AHHHH!!” mas lalong nag init ang dugo ko ng marinig ko ang boses niya.
“HIRO! WHERE ARE YOU?! ANSWER ME FUCK!” pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa ariport pero wala akong pake.
Pinatay ko ang tawag at trinace gamit ang GPS. ang cellphone ni Hiro, madali ko siyang natunton dahil naka on ang GPS niya sa cellphone.
Wala sa sarili akong tumakbo papunta sa comfort room‚ nasa labas palang ako ng comfort room naririnig ko na ang sigaw ni Hiro!
Kaagad kong sinipa ang pinto‚ akmang sisipain ko ang lalaking bumubugbog kay Hiro ng naunahan akong paluin ng baseball bat ng lalaking nagtago sa likod ng pinto, napadapa ako sa sahig. Hindi pa nakontento ang lalaki at pinalo pa niya ulit ako sa ulo.
“Black” nanghihinang tawag ni Hiro sakin, tulad ko ay nakadapa na rin ito sa sahig. inabot ko ang kamay niya at ganon rin siya.
“AHHHHHH!” napatili ako ng apakan ng isang lalaki ang kamay ko.
Pinalo ulit ako ng baseball bat sa ulo, sa pagkakataong ito ay nandidilim na ang paningin ko.
“H-hiro” huling sambit ko at tuluyan ng nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Misterio / Suspenso"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...