PHAYU POV
“Ang tagal kitang hinintay” bulong ko sa natutulog na si Kluen‚ nakahiga ako ngayon sa kama habang katabi ko siya.
“Hmm” ungol niya at niyakap ako‚ hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
“Goodnight my Kluen” nakangiting wika ko at hinalikan siya sa noo. Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.
BLACK HATXON POV
“Ano ba! ang laki-laki ng space pero nakikisiksik ka!” inis na reklamo ni Hiro‚ kanina pa ako nagpipigil ng tawa sa kanya.
He’s so cute‚ ang akala ko dati pagiging doctor lang ang alam niya but i’m wrong.
“Gusto ko dito ihh” parang bata kong sabi at sumiksik sa kanya‚ ang bango niya.
Alam kong kanina pas siya nagtitimpi sa’kin.
“Ano bang gusto mo?!” inis siyang humarap sa’kin‚ nakatalikod kasi siya kanina.
Ngumiti ako at pinisil yung ilong niya.
“Ano ba!” inis na bulalas niya at hinampas ako.
“Aray—!” kunwari akong natamaan niya yung sugat ko‚ napangiti ako ng maalarma siya at kaagad na umupo.
“S-sorry‚ patingin nga” nag aalalang wika niya at tinaas ang damit ko.
Lord ano ba to? kinikilig ako.
“Masakit? Sorry hindi sinasadya ni Hiro”
“What did you call yourself?” takang tanong ko sa kanya.
“Hiro” sagot niya.
“I call myself Hiro‚ everytime na nine-nerbyos ako” paliwanag niya.
Napangiti ako dahil kahit kanina pa ito naiinis sa’kin‚ kinakausap niya pa rin ako ng maayos.
“Ang weird no”
“No‚ ang cute kaya” ani ko.
“Tsk” tanging singhal niya at humiga ulit.
“Why did you help me?” takang tanong niya sa’kin.
Saglit akong lumingon sa kanya.
𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞𝗦
Nakita kong tinulak ni Kluen si Hiro paalis kaya kaagad akong tumakbo papunta sa gawi niya‚ nagulat pa siya ng hilain ko siya sa braso pero nawala rin iyon.
“Come with me!” usal ko sa kanya at hinawakan siya kamay.
“Where are we going?” nagtatakang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa paglalakad habang nagmamasid sa paligid.
“Hey! I’m asking you‚ saan mo’ko dadalhin??” tanong niya ulit. Hindi ako sumagot.
Napalingon ako sa kanya ng bitawan niya ang kamay ko at umatras.
Nakita kong may lalaking papalapit sa gawi niya na may hawak na baril at ipuputok sana iyon kay Hiro ng hilain ko si Hiro papunta sa likod ko
“HIRO!” sigaw ko at hinila siya papunta sa likod ko‚ kaya ang ending ay ako ang nabaril.
𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞𝗦
“I don’t know!” sagot ko sa kanya.
Umirap ito sa’kin at nilipat ang tingin niya sa kisame.
“Akala ko‚ doctor ka lang na walang alam tungkol sa aming mga mafia” panimula ko ulit sa kanya.
“Akala mo lang ’yon” walang ganang usal niya.
“Bakit——”
“Bakit ang daldal mo?” inis na tanong niya sa’kin‚ napatawa ako ng mahina at lumingon naman siya ulit.
“Anong nakakatawa?” taas kilay na tanong niya.
“Wala” tumigil ako sa pagtawa at kinalma ang sarili ko.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mystery / Thriller"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...