STILL HIRO POV
“Naalala niyo noong gabing bumalik ako sa kazuma bar?”
“Bago ako bumalik sa bar‚ nakausap ko si Senator Clifford”
𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞𝗦
“What do you want? at nagpunta ka pa talaga dito sa hospital” tanong ko kay Senator Clifford.
“I have something to tell you” ani niya.
“What is it?”
“We didn’t kill Azrael‚ hindi kami ang pumatay sa kanya” pag aamin niya.
“What do you mean?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala sa mga mafia at Senator ang pumatay sa kaibigan ninyo”
“Then‚ who??” gulat na tanong ko.
Kung wala sa mga Senator at Mafia ang pumatay kay Azrael, sino??
“I can’t tell you‚ but.....”
“But what?”
“Bibigyan kita ng clue‚ isa sa mga kaibigan mo ang pumatay kay Azrael” sabi niya.
“WHAT?? PANO? MAHAL NAMING LAHAT SI AZRAEL! HINDING HINDI NILA KAYANG PATAYIN ANG BESTFRIEND NAMIN!” galit na sigaw ko sa kanya at nagsimula na ring manubig ang aking mga mata, paanong nangyaring hindi sila ang pumatay kay Azrael? pinagtangkaan nga nila kaming patayin noong nasa loob kami ng sarili naming bar.
Umatras ito tsaka dahan-dahang naglakad papalayo.
“HEY! wait!” sigww ko‚ ngunit hindi ito huminto.
Blangko akong naiwan, paano nangyari yon? isa sa mga kaibigan? imposible.
𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞𝗦
“So you mean‚ wala sa kanila ang pumatay kay Azrael?” gulat na tanong ni Kluen.
Tumango ako.
“Ang sabi sa’kin ni Senator, isa daw sa mga kaibigan natin ang pumatay” wala sa sariling sabi ko.
“Naniniwala ka naman don? hindi mo ba natatandaan na muntikan niya na tayong patayin ah!” bulalas ni Ynzo.
“Pero, posible naman na totoo ang sinasabi ni Senator diba?” komento ni Black.
“Posibleng isa sainyo ang pumatay sa kapatid ko” seryosong sabi ni Alex.
“Bago umalis ng bahay si Azrael‚ may na kwento siya sa’kin na may kakausapin daw siyang kaibigan” tumingin sa amin si Alex.
So posible ngang isa sa amin ang pumatay kay Azrael??
“Oras na siguro para gamitin ang mga meron tayo para matunton ang totoong pumatay kay Azrael” cold na ani ni Kluen, napatingin kaming lahat sa kanya. kilala namin si Kluen‚ sa mga oras nato lahat ng mga sinasabi niya ang gagawin niya.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mistério / Suspense"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...