Chapter 27

282 9 0
                                    

KLUEN POV

Umalis si Black at Hiro para sunduin yung mga kaibigan ko sa warehouse‚ kaming dalawa lang ni sir Phayu ang nasa bahay ngayon.

Nasa kwarto ako ngayon‚ nakahiga. masama yung pakiramdam ko‚ nang dahil ata to sa sugat ko.

“Are you okay?” tanong ni sir Phayu na kakapasok lang sa kwarto‚ tumango lang ako bilang sagot kanya.

Lumapit siya sa gawi ko at nilagay ang palad niya sa noo ko.

“Nilalagnat ka” tarantang usal niya at dinikit ulit ang palad niya sa leeg ko.

Kinuha niya ang cellphone niya tsaka ito lumabas‚ hinayaan ko nalang siya at pumikit. Gusto kong matulog ngayon.

HIRO POV

Pabalik na kami ngayon sa bahay‚ sinundo kasi namin ni Black yung mga kaibigan ko.

“Hiro‚ cellphone mo yung nag ri-ring?” siniko at ni Ein at kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa‚ nasa van kami ngayon kasama namin si mayi.

Tumatawag si kuya.

“Hello kuya‚ why?” sagot ko sa kabilang linya.

“Nilalagnat si Kluen‚ dumaan kayo sa pharmacy.. Buy him some medicine” sabi niya sa kabilang linya.

“What happend Hiro?” tanong ni Nawin‚ binaba ko saglit ang cellphone.

“Nilalagnat si Kluen” ani ko dito.

“Sige k—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napayuko kaming lahat ng may bumaril sa van namin.

“Shit!‚ nasundan tayo ng tauhan ni Mr. Dominggo!” bulalas ni Black at inikot ang kotse.

Kinuha ko ang baril na nakaipit sa tagiliran ko, palagi akong may baril sa tagiliran dahil alam kong anytime may susugod sa akin.

Binuksan ko ang window ng van at tsaka nakipag salitan ng putok ng baril.

“Hey! bitawan mo nga ako!” reklamo ko kay Black ng hilain niya ako‚ tarantado ba tong tao nato? hihilain niya ako habang nag dadrive siya. naka kandong ako sa kanya habang nagda-drive siya.

“Tangina mamaya na kayo mag landian! mamamatay na tayo oh!” asik ni Tinn‚ kaagad akong umalis sa pagkakandong kay Black wtf.

PHAYU POV

Kaagad akong tumakbo palabas ng marinig ko ang putok ng baril sa kabilang linya‚ tinrack ko ang location ni Hiro.

HIRO POV

“Iligaw mo!” bulalas ni Ein kay Black, si Black ang nag da-drive.

“NASA LIKOD YUNG KOTSE MO HIRO!” napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Red.

“Tarantado! huwag kang sumigaw! magka lapit lang tayo!” inis na usal ko sa kanya tsaka ito siniko.

Nakita ko sa side mirror ang kotse ko‚ si kuya ata ang nagda-drive. don’t tell me na iniwan niya si Kluen? Nawala na ang mga sumusunod sa’min tanging si kuya nalang ang nasa likod.

Huminto ang van na sinasakyan namin, kaagad akong lumabas ang sinalubong si kuya.

“Are you okay?” nag aalalang tanong niya.

“I’m okay kuya” sagot ko.

“Thank god!” nakahinga ito ng maluwag at napahawak sa sintido niya.

“Sumakay kana ulit Hiro‚ uuwi na tayo. Si Kluen lang mag isa sa bahay niyo” saad ni Alex.

Kailan pa to nag alala kay Kluen?

Sumakay na ulit ako sa van at sumakay na rin sa kotse niya si kuya.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now