Chapter 29

267 9 0
                                    

HIRO POV

“Ipatawag niyo lahat ng nasa mafia org” diin na sabi ko at kinuyom ang mga kamao ko.

Padabog akong lumabas ng bahay‚ kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko.
Kinuha ko ang sigarilyo sa bulsa ko tsaka ito sinindihan.
Napaatras ako ng may itim na van ang huminto sa harapan ko‚ tatakbo na sana ako pero kaagad akong napalo sa likod at nawalan ng malay.

EINSTIENA LIBERANTO POV

Kanina pa si Hiro sa labas‚ hindi pa ito bumabalik mula kanina.
Kinakabahan ako dahil alam ko sa aming magkakaibigan‚ si Hiro‚ Kluen at Azrael ang target nila at gusto nilang patayin.

“Ano ba Ein kanina ka pa paikot-ikot‚ para kang adik!” inis na bulalas ni Tinn sa’kin.

“Kinakabahan ako! wala na si Azrael at nakuha nila si Kluen tapos si Hiro hindi pa bumabalik galing sa labas!” tarantang usal ko at umupo‚ feeling ko sasabog na ako sa sobrang kaba.

“Alam naman natin na si silang tatlo ang pinupuntirya nilang lahat” ani ko sa kanila.

“Silang tatlo? what do you mean?” takang tanong ng kapatid ni Azrael.

“Si Azrael‚ Kluen‚ Hiro ang pinupuntirya nilang lahat. Ngayon wala na si Azrael malakas ang kutob ko na may balak silang gawin kay Kluen at Hiro” kinakabahan kong paliwanag kay Alex habang nakatingin sa kanya.

“Bakit silang tatlo?” tanong naman ng kuya ni Hiro.

“Kasi si Hiro ang leader ng mga yakuza at si Kluen naman ang mafia boss at si Azrael ay underboss‚ tama ba?” napalingon kami kay black.

Bakit niya alam ang mga ito?

“How did you know?” nagtatakang tanong ni Red.

“Kilalang kilala ko si Hiro at na kwento niya ang lahat sa’kin” paliwanag niya.

Kilalang kilala? kilala ko si Hiro, never siyang nagsabi kahit kanino at mahirap magtiwala si Hiro.

“Pano? eh kilala naming lahat si Hiro, tsaka imposibleng na kwento niya lahat e ngayon ka nga lang niya nakilala” natatawa pero hindi makapaniwalang bulalas ni Tinn.

“Nakakasigurado ba kayo?” cold na nakataas kilay niyang tanong.

Parang familliar sa’kin ang tao nato‚ parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung kailan at saan.

“Nagsisigarilyo pa rin ba si Hiro?” habol hiningang tanong ni Kawi na kakapasok lang sa loob, hindi namin namalayan na lumabas pala ito.

“Oo‚ naninigarilyo siya kapag galit at natatakot” sagot ni Black. Bakit kilala ng tao nato si Hiro? anong meron sa kanila?

“Sa kanya to diba? silang dalawa lang naman ni Kluen ang naninigarilyo sa ating lahat” wika ni Kawi at tinaas ang sigarilyo, nagamit na ito dahil kalahati nalang.

“Baka naman may dumaan lang at tinapon yung sigarilyo niya sa labas” bored na usal ni Red.

imposible.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now