Chapter 25

301 8 0
                                    

PHAYU POV

Nagising ako dahil sa may naramdaman akong mabigat na naka dagan sa’kin.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at napangiti nalang ako ng makita ang muka ni Kluen na mahimbing na natutulog.

“Goodmorning” bulong ko at dahan-dahan inalis yung braso niyang nakayakap sa’kin.

Tumayo na ako sa higaan at dumitetso sa cr para maghilamos.

Matapos ang ilang minuto ay tapos na’kong maghilamos at mag toothbrush kaya lumabas na muna ako para magluto ng breakfast.
Nasa hagdan palang ako may naamoy na akong mabango‚ nagmadali akong naglakad pababa sa hagdan at sinilip kung sino yung nagluluto sa kusina.

“Oh hi Goodmorning dude!” bati sa’kin ni Black‚ bakit hindi pa to umuwi? at bakit siya yung nagluluto ng breakfast?

“Feel at home huh” sakrastiko kong usal sa kanya‚ tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagluluto.

Naglakad ako palapit sa ref at binuksan ito para kumuha ng malamig na tubig.

“Si Hiro nasaan?” tanong ko sa kanya at umupo sa dining area.

“Natutulog pa” sagot niya habang nagluluto.

“Si Kluen?” tanong niya pabalik.

“Natutulog pa” sagot ko sa kanya at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

“Ganon ba talaga nila ka mahal yung kaibigan nilang si Azrael kaya pati buhay nila isusugal niya?” takang tanong ni Black at nilapag sa mesa yung niluluto niya, hindi ko namalayan na tapos na pala itong magluto.

Saglit akong natahimik.

“Hindi ko alam‚ hindi ko nga alam na may mga kaibigan si Hiro” balewalang sagot ko sa kanya‚ sa totoo lang akala ko walang kaibigan si Hiro. dahil si Hiro ay isang introvert at ayaw makipag socialize bukod sa aming mga pamilya niya.

Napatigil kami sa pag uusap ni Black ng marinig namin ang mga yapak ni Hiro pababa sa hagdan‚ para siyang bata na kakagising lang. magulo gulo yung buhok niya at nakukusot yung damit niyang pantulog.

“Pfffttt” narinig ko ang pag pigil ng tawa ni Black‚ natatawa akong umiling.

“Why?” taas kilay na tanong niya kay Black, napansin niya ata itong nagpipigil ng tawa.

“Nothing‚ tara na mag breakfast” ani ni Black na nakapag pataas ng kilay ko‚ nakakapag taka yung tao nato.

“Where’s Kluen?” tanong niya habang kinukusot kusot yung mga mata niya.

“Natutulog pa” ani ko at sumimsim ng kape na gawa ni Black.

HIRO POV

“Natutulog pa” sagot ni kuya at sumimsim ng kape‚ umakyat ulit ako para puntahan si Kluen sa kwarto.

Ewan ko ba pero ang aga-aga pa pero naiinis ako sa mukha ng Black na yon!

Hindi na ako kumatok sa kwarto‚ dumiretso na ako sa loob dahil bukas naman yon.

Kinuha ko ang unan sa tabi ni Kluen tsaka ito hinampas ng mahina sa kanya.

“GOODMORNING KAMAHALAN!” masiglang sigaw ko sa kanya at tumalon sa taas ng kama.

“CAN YOU PLEASE SHUT-UP HIRO!” inis na sigaw niya sa’kin at tumalikod para matulog ulit.

“GISING NA KLUEN!” sigaw ko ulit at tumalon talon pa sa kama.

Sanay ako na ginagawa ang mga ito kay Kluen.
Tumigil ako sa pagtatalon talon sa kama at hinila yung paa niya.

“YUNG SUGAT KO!” parang batang sigaw niya.

“SORRY PO AKING KAMAHALAN” nakangisi kong usal sa kanya at nag bow pa‚ ganito ang morning routine naming dalawa kapag magkasama kami sa isang bahay.

Bumangon ito sa higaan at umupo‚ para siyang bata na kakagising lang.

“Anong nangyari? nasaan ako? who am I?” napakurap kurap ako sa kanya at dahan-dahan kinuha yung unan tsaka ito hinampas ulit sa kanya.

“Aray! nakakadalawa kana ha!” inis na singhal niya sa’kin at akmang sisipain ako ng lumayo ako sa kanya.

“Tangina naman kasi nabaril ka lang nagka amnesia kana‚ ano nag aadik ka ba?” umupo ako sa tabi niya at sinulyapan yung sugat niya.

“Masakit?” tanong ko sa kanya, nakasandal ito sa headboard.

“Hindi‚ masarap oo masarap” parang baliw na sagot niya.

“Akala ko mamatay kana” ani ko at niyakap siya‚ para kong bata kapag si Kluen ang nasa paligid ko.

“Puede ba ang aga-aga! wag mo nga akong yakapin!” usal niya, pero hindi ko iyon pinansin at niyakap pa siya ng mahigpit.

“Hiro‚ promise me” napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at nagtataka siyang tiningnan.

“Promise?” takang tanong ko sa knya.

“Promise me na mag to-toothbrush kana tangina mo ang baho ng hininga mo!” mahina pero pasigaw na ani niya.

Napasimangot ako at ngumuso.

“Tara na nga‚ labas na tayo nagugutom na’ko” wika ko sa kanya at nakangusong tumayo.

Tumayo siya at hinubad yung damit niya‚ sanay na ako na nakikitang walang pang itaas si Kluen‚ may dalawang tattoo si Kluen. ang isa ay nasa batok habang ang isa naman nasa tagiliran niya‚ ang tattoo na nasa ibabaw ng batok niya at symbolo na siya ang may ari ng kazuma at ang nasa tagiliran niya naman ay symbolo na siya ang rank 1 sa mafia rankings.

Tumayo ito at pumasok sa Cr‚ sumunod ako sa kanya at sinipa ang pinto.
Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa tapat ng shower.

“Maliligo ka?” tanong ko sa kanya‚ nakangisi niya akong tiningnan at hinila ako palapit sa shower.

“KUYAAAAAA!!” sigaw ko dahil inopen niya ang shower kaya nabasa ako‚ ang lamigg!!

“ANG LAMIG!!!” reklamo ko at tumakbo palayo sa shower.

Natatawang lumabas sa cr si Kluen.
Humarap ako sa salamin dito sa Cr at hinubad yung basang damit ko.
May tattoo ako sa bandang likod‚ maliit lang ito. chinese world iyon‚ ang tattoo na ito ay symbolo ng mga yakuza. Symbolo ng leader ng yakuza.

Sinabit ko ang damit ko sa balikat ko at lumabas‚ naabutan ko pang naglalakad pababa si Kluen kaya agad ko itong inakbayan at sabay kaming bumaba‚ wala kaming damit pang itaas dahil hinubad niya yung suot niya kanina at ako naman ay binasa niya.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now