EINSTIENA POV
Pagkatapos tumawag ni Kluen ay kaagad na kaming sumakay sa sasakyan, kasama ko sina Nawin at Tinn tapos Gram, Alex at si Hershey kasama na rin si Mayi.
“Anong nangyayari Rin?” nagtatakang tanong ni Nawin habang nagda-drive.
“May dala kayong baril?” tanong ko sa kanila, nagsitanguan naman sila.
“Good”
RED POV
“YNZO!” sigaw ko sa loob ng warehouse.
“PUTANGINAMO TRAYDOR! LUMABAS KA!” galit na sigaw ko.
nilibot ko ang buong warehouse ngunit, wala akong makitang Ynzo. napatigil ako sa paglalakad ng may narinig ako.
Nilibot ko ulit ang paningin ko at doon ko lang napagtanto na may mga bomba pala.
“Shit!” mura ko at dali daling lumabas.
Nahihilo na talaga ako tangina!
“RED!” sigaw ni Hiro.
“Tangina bakit ka bumalik?!” galit na tanong ko sa kanya.
“Tara na! may bomba sa loob” hinila ko siya palabas‚ hindi pa kami umabot sa pinto ng biglaang sumabog ang bomba.
Para akong nabingi, at naramdaman kong tumilapon ako sa kung saan.
“Hiro” napasuka ako ng dugo at nandidilim na ang paningin ko, bago ako mawalan ng malay ay nakita ko si Hiro na duguan ang ulo at ang kanyang mga katawan.
Hindi lang isang beses sumabog ang warehouse, sumabog pa ito ulit.
Tuluyan na’kong nawalan ng malay.
KLUEN POV
“NOOOOO!!!” malakas na sigaw ko ng makababa ako sa kotse.
Putangina sumabog ang warehouse!
“Azrael! Black!” lumapit ako kay Black at Azrael.
“Oh god! buhay ka‚ Azrael!” niyakap ko si Azrael at hindi mapigilang umiyak.
“K-kluen, si Hiro at Red nasa loob” nanghihinang usal niya, napabitaw ako ng yakap.
“Ikaw na muna ang bahala sa kanya, please make sure na safe siya. dararating dito sina wait for them” tumango lang si black sa sinabi ko, hinila ko si Phayu papasok sa nagliliyab na warehouse.
“HIRO!”
“RED!”
Sabay-sabay kaming sumigaw.
EINSTIENA POV
Kinakabahan ako ng makita ko ang warehouse oh god.
“Sumabog!”
“Let’s go! dalian niyo” wala ako sa sarili na lumabas sa kotse.
Namataan ko kaagad ang kotse ni
Kluen at sa gilid ng kotse niya ay may dalawang tao na nakatayo.”Azrael?”
“AZRAEL!” sigaw ni Tinn at Nawin, napaluha ako at hindi makapaniwala.
buhay siya, buhay si Azrael.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Misteri / Thriller"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...