KLUEN POV
“Kamusta si tita at tito?” tanong ko sa kanya, bumaling siya saglit sa’kin at binalik ulit ang tingin sa daan. Nagda-drive kasi ito.
“Hindi pa rin kami okay” seryosong sagot niya, matagal ng hindi nagkaayos si Damien at yung mga magulang niya. ayaw ni Damien na tumira sa puder ng mga magulang niya dahil naiinis siya tatay niya.
Bumuntong hininga ako at dinako ang tingin ko sa labas ng kotse.
Ang dami kong iniisip‚ hindi ko alam kung paano ko masusulusyonan yung mga problema na nangyayari ngayon.
“Ayos ka lang Kluen?”
Nilingon ko si Damien at nakangiting tumango.
“Ayos lang”
“Hindi ka ayos‚ kilala kita Kluen”
Napangiti ako dahil kahit matagal na panahon na kaming hindi nagkita, kilalang kilala niya pa rin ako.
“Ayos lang ako baliw” pagsisinungaling ko, kinakapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko dahil tumutunog ito.
“Where are you?” buntong hiningang tanong ni Phayu sa kabilang linya.
“Why?” malambing na tanong ko.
“I miss you‚ I need you right now baby” napangiti ako dahil para itong bata.
“I miss you too‚ where are you? pupuntahan kita”
“At my condo”
“Okay‚ wait me there!”
“Noted babe‚ I love you!”
“I love you too” pangiti ngiti kong pinatay ang cellphone.
“Ehem” pukas attention ni Damien, ngayon ko lang naalala na nandito pala yung mokong nato.
“Wow lumalove life na si nano oh”
“Wtf! anong nano?” inis na asik ko sa kanya, patawa tawa niya akong nilingon.
“Alam mo Kluen, wala pa ring pinagbago ’yang height mo! nano ka pa rin” sarap suntukin ng tao nato.
Matangkad si Damien kesa sa’kin, I think katangkad lang sila ni Phayu. hanggang balikat lang nila ako
“Pero seryoso‚ may mahal kana bang iba Kluen?” tanong niya sa’kin.
Tumango ako.
“Masaya kana ba?”
“Sobra!”
“Glad to hear that‚ akala ko hindi kana naka moved on sa nangyari sayo dati e”
Naka moved on na nga ba ako sa nakaraan?
“Oo naman!”
“By the way‚ next time nalang ako sasama sa mansion mo. Hinhintay na ako e” mayabang na ani ko, mahina siyang napatawa at tumango tango.
”Fine!” pagsuko niya.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mistério / Suspense"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...