Chapter 42

231 12 0
                                    

KLUEN POV

“Why should I? sino ka ba para magselos ako?” para akong sinampal sa sinabi niya.

Tama‚ sino ba naman ako? ako lang naman yung naka one night stand niyang hinintay siya tapos yung lalaking naka talik niya kagabi, sino ba ako? sino ba ako sa buhay niya?

“Lumugar ka‚ secretary lang naman kita” diin na sabi niya.

“Hey! wag ka ngang ganyan!” saway ni Hershey sa kanya at pinalo ito sa braso.
Tumalikod na ito sa’min‚ hindi pa man siya nakakalayo ay sumigaw ako.

“SECRETARY LANG? ANO YUNG NANGYARI SA ATIN KAGABI?” sigaw na tanong ko habang may mga luha na lumalandas sa pisnge ko.

Humarap siya at wala akong nakitang kahit anong expression sa mukha niya.

“Ginamit lang kita para mawala ang init ko sa katawan‚ hindi ako pumapatol sa lalaki” huling saad niya at tumalikod.

Napahagulgol ako ng iyak, wala akong pake kahit pagtinginan pa nila ako. ang importante sakin ay malabas itong galit na nararamdaman ko ngayon‚ Bakit ba ako umasa na mahal niya ako? bakit ba ako umasa na papatol siya sa lalaki? wtf! ang tanga ko!

Inalis ko ang ID ko tsaka ito tinapon sa kung saan‚ hinila ko si ate Marie at sabay kaming lumabas.

“Where are you going? sa hotel?” sarkastikong tanong ni Phayu.

“Mag re-resigned na kami” sagot ko.

“P-pero Kluen‚ kailangan ko ng trabaho” ani ni ate Marie.

“Kaya kitang bigyan ng trabaho‚ hindi mo kailangang magtiis dito kasama yung mga toxic na employee at yung toxic na boss!” cold na sabi ko.

“Okay! leave at wag na wag ka ng babalik dito sa kompanya‚ at wag kana rin umuwi sa bahay!”

Tumalikod ako at hindi pinansin ang sinabi ni Phayu.

“PAG UWI MO SA BAHAY ITATAPON KO YUNG MGA DAMIT MO!” napahinto ako ng dahil sa sigaw nito.

“EDI ITAPON MO! WALA NAMAN AKONG MGA DAMIT DON!” sigaw ko pabalik sa kanya.

“MERON! UMUWI KA SA BAHAY! LABHAN MO YUNG BEDSHEET NA GINAMIT NATIN KAGABI! AT YUNG DAMIT KO NA SINUOT MO!” napangiwi ako sa sigaw niya.

Yung sakit na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng hiya, wtf pinagsasabi ng lalaki nato.

Humarap ako at nilakihan siya ng mata.
Lumapit siya sa amin at hinila si ate Marie‚ hinila ko naman pabalik si ate Marie.

“Hindi siya aalis‚ at hindi ka rin aalis”

“Aalis siya‚ at aalis kami!”

Nilalabanan ko ang mga titig ni Phayu, bahala siya. pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yon kanina tapos ayaw niya kaming paalisin? adik ba siya?

“A-aray‚ masakit ho” reklamo ni ate Marie, sabay namin siyang binitawan.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala ang lahat ng employee sa amin.

“Let’s have a date babe” sabat ni Hershey at niyakap ang braso ni Phayu.

Bakit hindi ako nainform na may ahas pala sa kompanya nato? napataas ang kilay ko at ginagaya gaya pa ang sinasabi ng babae.

“Let’s have a date babe nyenyenye‚ pwe!” bulong ko sa hangin.

“What’s happening here?” tanong ng papa ni sir Phayu, kakarating lang nito. Kasama niya ang mga bodyguard niya at yung dalawang mafia I think nasa 40 silang lahat‚ kilala ko silang lahat at kilala rin nila ako.

Shit! pano to! mahahalata ng lahat kung sino ako‚ hindi ako nakilala ng papa ni sir Phayu kanina dahil kaagad akong umalis.

“Yung dalawang employee po kasi sir‚ naglalandian” sabat ng isang employee.

“Who?” tanong ng papa ni Phayu.

“Sila” napalingon sa’kin ang papa ni Phayu ng ituro ako ng employee.

“It’s nice to see you here Mr. Walter” magalang na ani ng dalawang mafia at ng papa ni sir Phayu tsaka sila nagsiyuko, kasama na ang mga bodyguard nila.

Napanganga ang lahat ng nasa kompanya at hindi maintindihan ang nangyayari.

Shit shit anong gagawin ko???

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now