PHAYU POV
Pagkatapos ng meeting ay sumunod ako kay Kluen dahil pumasok ito sa loob ng office niya.
Pagpasok ko palang sa loob bumungad na sa akin ang maaliwalas na sulok. Malinis tingnan ang office niya.“Ang ganda ng office mo huh” papuri ko at pumunta sa office desk niya tsaka umupo sa swivel chair niya.
“Ohu! kakapasok mo lang tapos aangkinin mo na kaagad yung upuan ko‚ alis nga!” pagtaboy niya sa’kin‚ ngumisi ako at hinila siya paupo sa lap ko.
“Hey! bitawan mo nga ako” reklamo niya. Umiling ako niyakap siya.
Ang bango niya.
“I have something to tell you” seryosong sabi ko habang hinahalik halikan yung leeg niya.
“What is it?”
“Alam mo naman na‚ hindi lang ang mga pumatay kay Azrael ang kalaban ninyo” ani ko. Hindi lang ang mga taong pumatay kay Azrael ang kalaban nila. may mga ibang kalaban rin kaming mga mafia.
“I know”
“Can you promise me na hinding hindi mo hahayaan na masaktan ka nila hmm?” malambing na usal ko sa kanya.
“Sinaktan mo nga ako e” bulong niya, natawa ako ng mahina at niyakap ang bewang niya.
“I’m so‚ sorry nagselos lang naman ako” bulong at siniksik ang muka ko sa leeg niya.
“Bakit ka nagseselos?”
“Kailangan pa bang tanongin yan? syempre mahal kita” ditetsong sagot ko.
“Ikakasal kana nga malandi kapa” asik niya.
𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞𝗦
“What are you doing here‚ dad? and who is she?” takang tanong ko kay dad. Nasa loob kami ng office ko ngayon habang si Kluen naman ay nasa labas. bigla itong umalis kanina.
“I already told you‚ she’s Hershey your future wife”
“But dad‚ I already love someone! ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal” inis na bulalas ko.
Tahimik lang yung babae‚ nakayuko ito at sa tingin ko ay hindi ito comfortable sa suot niya.
“You need to marry her anak para makalaya siya”
“What do you mean dad?”
“Isa siya sa mga nakidnap at naibenta‚ gusto ko siyang kunin——”
“What do you mean na kukunin? alam ba to ni mom na nangangabet ka?”
“Shut up! hindi pa ako tapos” gigil na usal ni dad.
“Gustong-gusto magkaroon ng mom mo ng anak na babae, wala ng mga magulang si Hershey in order to save her. you need to marry her”
“Please po‚ nagmamakaawa ako. Ayoko na pong tumira sa bahay nila! sinasaktan po nila ako ginagalaw” pagmamakaawa sakin ng babae at lumuhod pa ito.
“Gusto kong makitang masaya ang mom mo bago ako mamata——’
“Shut up old man! hindi ka tatanggapin sa langit” bulalas ko dito.
“Shut up young man! kainin mo yang opinion mo wala akong pake!” inis na wika niya at umupo ng de kwatro kala mo naman bagay sa kanya.
“Okay fine! I will help you but‚ you need to explain to me kung ano ang mga nangyari okay?” ani ko sa babae at tumango naman ito.
“Bumabait ka ngayon nak, epekto ba yan ng inlove?” natatawang tanong ni dad.
“Ganito talaga pag pogi” ngising sabi ko.
“Pogi? san banda? sa paa?”
“Tanong mo sa buhok mong shagi”
“Shagi??”
“Shagilid lang meron” pang aasar ko at tumayo para lumabas sa office, can’t wait to see my baby.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong may kayakap ito.
“Wtf? who’s that girl??” inis na bulong ko.
“Nagseselos yung walang label” bulong ni dad ng makadaan ito sa tabi ko.
Madapa ka sanang shagi ka.
𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞
“So hindi rin gusto ng babae na maikasal sayo? buti naman” ngiting tagumpay na wika ni Kluen.
“Yes”
Hinalik-halikan ko ulit siya sa leeg.
“H-hey stop HAHAHAAH nakikiliti ako” natatawang sabi ni Kluen pero hinayaan ko lang ito, wtf nanggigil ako ang bango niya.
Pareho kaming napatigil ng bumukas ang pinto at niluwal non sina Hiro at ang mga kaibigan niya, nakasubsob ang iba sa floor.
Wtf!
“Huy anong room to? bakit wala akong makita?” tanong ni Hiro at umaaktong bulag.
“Gago yung lamok pumasok dito” kunwaring sabi ni Nawin.
“Isda nalunod sa dagat” wala sa sariling sambit ni Tinn.
Napasapo ako sa noo ko.
YOU ARE READING
Mr. CEO's Secretary
Mysterie / Thriller"PANO MO NAGAWA SA AMIN TO?? KAIBIGAN KA NAMIN! PINAGKATIWALAAN KA NAMIN! P-PANO MO NAGAWA TO?" hagulgol na sigaw niya. ----- "I love you my love" "I love you too but..." "But what?" "I can't be with you anymore‚ patay na'ko. Please mabuhay ka para...