Chapter 83

205 11 1
                                    

NAWIN POV

Nasa hideout kami ngayon, kasama ko si ein at tinn.

“Anong balak mo?” tanong ni tinn sa’kin.

“Magpakamatay” turan ko, nasa kwarto kami nakahiga. nasa gitna namin si ein habang nagbabasa ng book.

“Gawin mo na ngayon” bored na usal ni ein habang nagbabasa ng book.

“Kahit kailan talaga panira ka ng moment e noe?”

Humarap siya sa’kin tsaka dumapa.

“Nabobored na’ko‚ what if mag aral nalang tayo? sawa nako maging tao e” napaisip ako sa sinabi niya.

“Oo nga! what if mag aral nalang ulit tayo?” sabat ni tinn habang busy sa cellphone niya.

“Hey! kotse to ni ynzo diba? tapos si kluen din??” gulat na tanong ni tinn at pinakita sa’min ang cellphone na may live. naka live si ynzo at kluen may kotseng humahabol sa kanila.

Napabalikwas kami ng bangon ni ein at nag unahan tumakbo palabas.

“Yung kotse ang dalhin natin!”

KLUEN POV

“Ynzo! iliko mo yung kotse” usal ko kay ynzo.

“T-teka‚ ayaw gumana ng break!”

“Ano?!” gulat akong napatingin sa kanya.

“F*CK! AYAW GUMANA NG BREAK!” sigaw niya.

“Paano na yan?” nag aalalang tanong ko.

“May tiwala ka pa ba sa’kin?” maamo siyang tumingin sa’kin‚ kahit may kasalanan si ynzo sa’min ay siya pa rin ang bestfriend namin.

Tumango ako sa kanya at hinawakan niya naman ako sa kamay.

“Pagbilang ko ng tatlo‚ tatalon tayo okay?”

“Ha?? nababaliw ka ba??”

“Eto lang ang tanging paraan kluen!”

“Wag mo’kong bibitawan!” usal niya ulit.

“ONE”

“TWO!”

“THREE!” huling sigaw niya at hinila ako para tumalon.

Pagulong gulong kaming dalawa, hindi na namin kung anong lugar to dahil puro gubat nalang ang nakikita namin.

Kahit pagulong gulong na kami ni ynzo ay yakap yakap pa rin niya ako.

AZRAEL POV

Nasa condo ko ako ngayon kasama ang girlfriend kong si hershey at ang kapatid niyang si mayi, sobra akong nagpapasalamat dahil pareho silang naligtas ng mga kaibigan ko.

“Love!” pagtawag sa’kin ng girlfriend ko.

Suot suot niya ang polo ko, hanggang tuhod iyon kasi malaki talaga ang polo at maliit siya. Papalapit siya sa gawi ko habang may dala na plato na may laman na apple.

“Why love?” umupo siya sa lap ko at niyakap ko naman ang bewang niya.

“Are you okay?” napangiti ako sa tanong niya, marahan kong pinisil ang magkabilaang pisnge niya at hinalikan ang kanyang noo.

“I’m okay love‚ si baby kamusta?” tanong ko pa at pinasok ang kamay ko sa loob ng damit na suot niya.

“Okay naman siya”

Hinahaplos ko ang kanyang tyan.

“Kuya rael! someone’s calling!” rinig kong usal ni mayi.

“Wait love‚ i’ll be back” tumango siya at umalis sa pagkakaupo sa lap ko.

Tumayo ako para kunin ang cellphone ko na nasa table. “Hello‚ oh ein anong kailangan mo?” tanong ko sa kabilang linya.

“T4ng1n4 tama na muna ang kaka honeymoon niyo! nasa panganib si ynzo at kluen!” inis na usal niya sa kabilang linya, hindi ko na hinihintay ang ibang sasabihin niya at kaagad ko ng pinatay ang tawag.

“Love‚ wag kayong lalabas okay?” bilin ko sa kanya at kinuha ang susi ng kotse.

“Where are you going?” tanong niya sa’kin.

“Nasa panganib si kluen!”

Napatayo siya sa kinauupuan niya. “Iligtas niyo siya love pleasee” tumango ako at dali daling lumabas sa condo.

“HELP!” napatigil ako sa pinto ng katabi naming condo.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now