Chapter 86

171 10 0
                                    

YNZO POV

Ginawa ko yon dahil gusto kong maging ligtas kayo at wala ni isa ang mamatay sainyo‚ hindi ako galit dahil may kinalaman ang pamilya ninyo sa pagkamatay ng tatay ko. Ginagawa ko ang mga bagay na’yon dahil yun lang ang tanging paraan para walang mawala sainyo. Para maligtas kayong lahat kailangan kong umasta na masama.

Gusto kong sabihin kay kluen ang mga yan pero wala akong lakas ng loob, natatakot ako na baka hindi siya maniwala sa’kin.

NAWIN POV

Nasa labas palang kami ng building ng condo ni azrael ng mapansin naming may ambulansya at mga police sa labas.

“Ano kaya nangyari?” sabat na tanong ni tinn, etong tao nato sulpot nang sulpot kung may heart attack lang siguro ako kanina pa ako nakahandusay dito sa loob ng kotse.

“Dito mo nalang i park ang kotse” sabi ko kay nawin, dahan dahan naman niyang pinark ang kotse sa gilid ng building.
Nang ma park na ni nawin ang kotse ay bumaba na ako at sumunod naman si tinn sa’kin.

“Azrael‚ phayu. What happend?” tanong ni nawin kay azrael at phayu, puno ng dugo ang damit ni azrael.

Kasama nila si mayi, tinapik ko si mayi at sinenyasan na tumabi siya sa’kin.

Napalingon ako sa ambulanysang dumaan.

“Teka‚ si hershey nasaan?” taas kilay na tanong ko kay azrael, hindi siya sumagot at lumapit ito sakin. Niyakap niya ako habang umiiyak.

“Nabaril si hershey” usal ni phayu.

“WHAT?” sabay sabay na tanong naming tatlo nina tinn at nawin.

KLUEN POV

Gabi na at kanina pa kami paikot ikot dito sa loob ng gubat.

“Wag na wag mo’kong bibitawan kahit anong mangyari kung ayaw mong mawala dito” seryosong sabi ni ynzo.

“Ynzo‚ may tao!” masayang usal ko kay ynzo.

“DIT—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko at pinilit akong yumuko.

“Anong ginagawa mo? tauhan yan ni Mr. Dominggo‚ gusto mo bang mamatay ha?” galit na pabulong niya sa’kin.

Tama nga siya‚ tauhan ’yon ni Mr. Dominggo.

“Hanapin sila” rinig kong utos ng lalake.

“Sumunod ka sa’kin at wag na wag kang gagawa ng kahit na anong ingay” utos niya sa’kin tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Marahan at walang tunog kaming naglakad ni ynzo papunta sa ibang direksyon ng may naramdaman akong gumagapang sa paa ko.

“Ano?! bat ka tumigil?” bulong na tanong ni ynzo, naninigaw ako sa kinakatayuan ko ng maramdaman kong gumagapang na ito pataas sa binti ko, nakapantalon ako pero ramdam na ramdam ko.

“M-may gumagapang” nanginginig na sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo na, ahas lang yan” balewalang usal niya, hindi niya ata narealize ang sinabi niya kaya lumingon ulit siya sa’kin at nagkatitigan kaming dalawa.

“AHHHHHH! AHAS!!” sabay na sigaw namin dahil pareho kaming takot sa ahas.

“AYUN SILA!” sigaw ng mga lalake at nagsimula ng magpaputok ng baril.

“SHIAAAA!”

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now