Chapter 21

296 9 0
                                    

PHAYU POV

Nakalabas na kami sa bar at hindi ko inaasahan na nandito pala sa labas ang mga kaibigan ni Kluen at nandito rin si Alex kasama niya si Gram.

“Nasaan si Hiro?” takang tanong ko sa kanila.

“I’m here!” lumingon ako sa gilid at nakita ko si Hiro na akbay-akbay si Black‚ may tama rin si Black sa tagiliran.

“Oh god! Hiro! may sugat si Kluen!” natatarantang sigaw ng babae ng makalapit ito sa amin.

“Dalhin natin siya sa bahay kuya‚ doon ko nalang siya gagamotin” tumango lang ako sa sinabi ng kapatid ko.

Kinuha nila sa akin si Kluen pero agad ko itong iniwas sa kanila.

“Ako na” sabi ko‚ naguguluhan silang tumingin sa’kin pero pinag sa walang bahala ko nalang at pinasok sa loob ng van si Kluen.

HIRO POV

Naguguluhan kaming lahat sa kinikilos ni kuya ngayon‚ nasa loob na kaming lahat ng van at kanina pa kami pasulyap-sulyap kay kuya. nakasandal sa balikat niya si Kluen.

Bigla kaming napanganga ng halikan niya ito sa noo.

“PUEDE BANG DALIAN MO MAG DRIVE!” inis na sigaw niya kay Tinn‚ si Tinn kasi ang nag drive. Nataranta si Tinn at biglang binilisan ang pag drive.

“What’s happening?” bulong ni Black sa’kin‚ nakasandal yung mokong nato sa balikat ko at may tama rin siya sa tagiliran.

“Chismoso” bulong ko sa kanya at tumawa ng mahina.

Mr. CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now