Chapter 04

10 2 0
                                    

CHAPTER FOUR
#LASS_encounter


“oh luke where are you going?” napahinto si luke sa paglalakad. 


“magbibihis, ano sama ka?” nakangising saad niya. 


“eww ang baboy mo” Ellia pushed luke when he playfully grabbed her. 


“isang lapit mo sa akin tatadyakan kita” pagbabanta ni ellia. 


“woah scary” luke dramatically acts.


We're just laughing our ass off because of these two. Para talaga silang aso at pusa.


“bilisan mo nang magbihis Luke!” sigaw ni nadia. 


“oo na” sigaw niya pabalik. 


Kumakaway kaway pa si Luke habang lumalakad. Eto naman si Ellia ay napipikon na kay Luke. 


“Harrah” Maureen called me. 


“hmm?”


“we are going now, hintayin mo nalang si Luke dito ha” Maureen said. 


I nodded in response.


“teka nga, ba't ka ba sasama ka kay Luke sa Ateneo eh maglalaro lang naman yun ng basketball sa mga kilala niya at isa pa kailan ka pa nahilig manood ng basketball huh” pinagsingkitan niya ako ng mata. 


My heart throbbed because I don't know how to explain. Ano ba ang sasabihin ko? Na sasama ako kay luke dahil nandoon yung crush ko or should I say fiancé ko? Gosh, Oo na lang siguro. 


“a-ano… kay….” tumingin ako sa paligid na para bang may mahahanap akong sagot “ah kuya!” tama, sorry kuya drew. 


“Kay Kuya Andrew?” Ellia asked. 


“hmm, bakit?”


“Awww Harrah really missed her brother huh, how sweet” I was surprised because someone suddenly pinched my cheek at nang makita ko kung sino ito ay nakahinga ako ng maluwag. Si Luke lang pala.


“Ang tagal mo” hinampas ko ang braso niya. 


“ano? tara na” inakbayan niya ako “girls pano una na kami”


“suspish ha” pinangsingkitan ako ng mata ni Nadia. Kaya umiling iling ako. 


Habang naglalakad kami ni luke papunta sa parking lot ay hindi maiiwasan ang pagbati ng mga babae sa kanya. Syempre si Luke to eh. Basketball captain to at isa napaka gwapo din naman kasi ni Luke at mabait pa kaya maraming humahanga sa kanya.


“hoy ano dika ba papasok?” He raised his brow.


“sabi ko nga” I rolled my eyes at him and I heard him chuckling.


“ano kain muna tayo bago pumunta?” yaya niya sa akin. 


Hindi pa naman ako gutom at mag a-ala una na oh baka hindi ko na makita si Mr. Sungit at tsaka kung gugutomin man ako ay may cafeteria naman sa Ateneo.


“ahmmm… wag na may cafeteria naman doon kung gugutomin ako” I assured him. 


“sige ikaw bahala” binuhay niya na ang makina at nag drive na. 


Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan dahil ayokong mahalata niyang excited ako baka kung ano pa ang isipin at isumbong pa kay kuya. Bibig din kasi neto walang preno. Speaking of kuya, did he already know about my forced marriage thingy? 


Love At Skies SunsetWhere stories live. Discover now