Chapter 38

5.4K 106 2
                                        

Seraphina's POV

Dalawang araw na ang lumipas mula nang makausap ko si Alyana pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi niya. Napahilot ako sa aking sentido. Gulong-gulo na ang isip ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ilang araw na akong puyat dahil sa kakaisip.

Tangina... Mula kasi nang dumating ang babaeng 'yon, nagkasunod-sunod na ang problema ko.

I sighed deeply. Napatigil ako sa aking paglalakad when I saw Aiden and Fiona walking down the hallway, their fingers intertwined.

Umiwas ako ng tingin at dumapo ito sa bintanang nasa kaliwa ko. My dull eyes were staring back at me, hindi naman nakalagpas sa aking mga mata ang eyebags ko. Pansin ko din ang bahagyang pagpayat ng aking katawan. Napahawak ako sa aking mukha. I look so pale.

I looked back at Fiona’s way when I heard her giggles. Bahagya akong nakaramdam ng panliliit sa aking sarili. She’s beautiful... Walang kahit anong kapintasan, hindi tulad ko...

Hindi ako ito... I had always been so confident with myself but now, looking at Fiona, walang-wala nga ako kumpara sa kanya.

Hinintay kong makalagpas sila sa akin. I was hoping Aiden would at least glance at me, but he just walked past me, his attention solely on Fiona.

"Hi, Seraphina," Fiona said cheerfully, but I could see the hint of mocking in her eyes.

"Hi," I muttered, feeling more invisible than ever.

As they walked away, I heard Fiona's giggle. "She seems nice." Aiden didn't answer her, instead, he just held her waist.

No words can explain what I am feeling right now. Pakiramdam ko ay nawasak ng ilang beses ang puso ko.

Paanong nasasaktan niya ako ng ganito kahit wala namang salitang lumalabas sa bibig niya?

Nanghihina akong napasandal sa pader. How could he do this to me?

Bakit ba hindi na lang niya ako trinato ng ganito simula pa lang para hindi na ako nahulog sa kanya?! I felt the rage inside me flare.

"Sera? What are you doing here?" Dumapo ang aking mga mata kay Wendy. Nakita ko ang bahagyang pag-atras niya.

"Y-your eyes..." Mabilis akong umiwas ng tingin. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

"Are you alright, Sera? Y-yang mata mo bakit itim?" Nagmulat ako ng aking mata. I glanced at my reflection bago humarap kay Wendy.

"It's not. Baka namamalikmata ka lang." I forced a smile. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin.

"Huh? Pero itim siya kanina, promise." Itinaas pa niya ang kanan niyang kamay. Ibinaba ko naman ito.

"Huwag mo na lang pansinin, Wendy. Namamalikmata ka lang." Nauna na akong naglakad.

Pupunta ako ngayon sa dorm ni Alyana. Galing ako kaninang umaga doon pero wala siya, nalibot ko na nga ang buong school pero hindi ko siya mahanap. So I am hoping right now na nakauwi na siya sa dorm niya sa kung saan man siya nagpunta.

My heart pounded in my chest as I walked up the familiar path to Alyana's dorm room. Hindi ko maintindihan pero nanlalamig ang aking mga kamay. My instincts are telling me that something was wrong.

"Alyana? Are you here?" I called out habang kinakatok ang pintuan dito sa dorm room niya.

Her dorm was eerily silent and my anxiety grew. Dapat ay narito siya dahil alam kong wala siyang pasok ngayon, hindi naman siya laging lumalabas.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon