Chapter 14

8.1K 153 7
                                        

Seraphina’s POV

Two days had passed mula noong mangyari ang insidente sa dining area. So far, naging tahimik naman na si Asara.

Nandito kaming lahat sa classroom namin. Tahimik lang kaming nakatambay dahil wala kaming guro.
May sariling mundo ang isa’t isa — may nagbabasa ng libro, pinaglalaruan ang kanilang kapangyarihan, at meron ding nakatulala lang.

Gaya ni Arianna na nasa left side ko, nakatulala lang. And guess who is at my right side right now — no other than Flynn. Itong lalaking ito, busy naman sa paglalaro sa isang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Hinayaan ko na lang dahil kahit hindi ko aminin sa aking sarili, ay gusto ko naman.

Ilang beses ko na siyang sinuway sa mga ginagawa niya, pero ang tigas ng bungo ayaw paawat. Buti na lang at hindi ito napapansin ng mga kasama namin, kundi it will be definitely awkward.

“Ang boring…” basag ni Arianna sa katahimikan.

“Kung nakakamatay lang ang boredom, kanina pa ako pinaglalamayan,” saad naman ni Sebastian.

“Kailan ba kasi ibibigay ni Headmaster ang mission natin? Sabi niya within this week…” nakakunot-noo na saad ni Wendy.

“Patience, Wendy… patience,” sagot naman ni Alexander dito, pero inirapan lang siya ni Wendy.

“Hahanap na nga lang ako ng chikababes sa labas,” sabi ni Arisson saka tumayo, pero hinila naman siya ni Catherine kaya napaupo ito.

“Bawal ang lumabas, unggoy,” naiinis na saad ni Catherine.

“Oo na po, babe. Hindi na lalabas, baka magselos ka pa,” nakangising sagot ni Arisson.

“Selos mo mukha mo!” naiinis pa ring sagot ni Catherine. Masyado namang halata ang babaeng ito.

“Ang ingay niyo. Natutulog ang tao, eh…” sabat ni William na kakagising lang.

“Ito ka-" Hindi natuloy ni Catherine ang sasabihin dahil tumunog ang speaker at narinig namin doon ang boses ni Headmaster.

Calling the attention of Section Diamond, proceed to my office now. I repeat, calling the attention of Section Diamond, proceed to my office now.”

Naghiyawan naman ang mga kasama ko dahil sa narinig.

“Sa wakas! It’s mission time!” sigaw ni Sebastian.

“Let’s goooo!” saad naman ni Wendy at tumatalon pa habang hinihila ang katabi niyang si Alexander patayo.

“Mag-teleport na tayo,” sabat ni Asara saka lumapit kay Arisson. Ganun din ang ginawa ng ibang lalaki at ni Catherine. Halata mong walang may gustong lumapit kay Flynn. Kawawa naman, bakit ba naman kasi nakakunot na naman ang noo, mukha tuloy siyang galit.

“Tara na, Sera,” excited na saad ni Arianna at humawak sa kamay ko. Ganun din ang ginawa ni Wendy sa kabila. Napasulyap ako kay Flynn na nakatingin sa amin.

“You go first,” saad niya kaya tumango ako at nag-teleport na sa labas ng pinto ng office ni Headmaster. Naabutan namin doon ang iba na naghihintay.

Kumatok si Catherine sa pinto at saka ito binuksan. Nagsipasukan na sila kaya nagpahuli muna ako. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Flynn, kaya nagulat ako noong bumulong siya. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa batok dahil sa malamig niyang hininga na tumama dito.

“Let’s get inside,” he said as he gently pushed me towards the door. Dumiretso na akong pumasok at saka umupo sa tabi ni Catherine. Si Flynn naman ay sa tabi ni Elijah dahil doon na lang ang may space na natira.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon