Chapter 6

9.5K 170 5
                                        

Seraphina’s POV

Nagising ako dahil sa malakas na tawa ng isang babae. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa aking harapan si Mark at isang babaeng may itim at napakahabang buhok hanggang sa kanyang talampakan. Tumayo at lumapit ako sa kanila.

“Gising ka na pala, binibini,” nakangiting saad niya.

“Who are you?” nakakunot ang noong tanong ko.

“Ako si Luwina, ang tagapangalaga ng kagubatang ito.” Dahil sa sinabi niya, nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari—nahulog si Mark sa tubig, tinalon ko siya para tulungan, may pumulupot na baging sa aking paa, at nawalan ako ng malay.

“Where are we?” tanong ko ulit habang iginagala ang aking tingin.

“Nasa loob kayo ng isang illusion na ginawa ko,” nakangiting sagot niya.

“Bakit mo kami dinala dito at anong kailangan mo sa amin?” nanggigil na tanong ni Mark, kaya napatingin ako sa kanya. Napansin kong may mga sugat siya, mukhang naglaban sila kanina. Humalakhak nang malakas si Luwina.

“Nakakalimutan mo ata, ginoo, kayo ang may kailangan sa akin. Kailangan niyo ng mga sangkap, hindi ba?” sagot ni Luwina.

“What do you really want?” tanong ko. Hindi niya kami dadalhin dito kung wala siyang kailangan.

“When I saw you enter the forest, I knew from that moment that you have a good heart. At alam kong ikaw ang makakatulong sa akin,” seryosong sagot niya.

“Anong tulong?” tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

“Nararamdaman kong nalalapit na ang huli at pinakamalaking digmaan, sa pagitan ninyo at ng mga taong ganid sa kapangyarihan. Kaya’t nais kong humingi ka ng tulong sa mas nakakataas na protektahan ang kagubatang ito, dahil kapag nasira ang kagubatang ito, tuluyan din kaming maglalaho.” Nagsusumamo ang kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang ito.

“I will help you.” Dahil sa sinabi ko, ay napangiti siya.

“Maraming salamat, binibini. Dahil diyan, mas padadaliin ko ang paghahanap niyo ng mga kasangkapan na kailangan ninyo.” Tumango ako sa kanya at bumaling ng tingin kay Mark na nakahandusay. Anong nangyari sa kanya?

“Huwag kang mag-alala, buhay pa ang iyong kaibigan. Kailangan ko lamang siyang patulugin sapagkat ayaw kong may gumambala sa ating pag-uusap,” nakangiting saad niya habang kinukumpas ang kamay, patungo sa direksyon ko, at maya-maya unti-unti na akong kinain ng dilim.

I HEARD my name being called by a distant voice. Nakakaramdam din ako ng isang malambot at malamig na bagay na dumadampi sa aking bibig, tila binibigyan ako ng hangin.

Nakakaramdam din ako ng tila maliliit na kuryente galing sa taong nakahawak sa akin. Unti-unting luminaw ang aking pandinig at napabalikwas ako habang umubo.

“Omygosh, Sera! Ok ka lang!?” natarantang tanong ni Alyana pagkalapit sa akin. Hindi ako makasagot dahil hinihingal ako, tila sobrang pagod na pagod ako.

“Ano bang nangyari, Mark!?” bahagyang tumaas ang boses ni Xyrel.

“I don’t know. Kukuha na sana ako ng Pure Spring Water pero nahulog ako. I was trying to swim but I couldn’t move. Nung papikit na ang mata ko, I saw Sera swimming towards me to help me. Pero ‘yung baging biglang pumulupot sa paa niya at nagising na lang ako na may babaeng nakatayo sa harap ko,” natatarantang saad niya sabay sulyap sa akin.

“Babae?” tanong ni William. Ngayon ko lang sila napansin, nandito pala sila. Inilibot ko ang mata ko at tumigil ito sa lalaking basang-basa habang madilim na nakatitig sa akin. Siya ba ang nagligtas sa amin?

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon