Chapter 35

5.7K 125 4
                                        

Seraphina's POV

I stood by the window of the infirmary, watching the students buzz with excitement. Hindi ko man rinig ang mga pinag-uusapan nila, but I can read the movements of their lips. They are obviously talking about Fiona, Aiden's mate. Napangiti ako ng mapait.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likod ngunit nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

"You're awake." It was Arisson's voice. Rinig ko ang mga yabag ng kanyang mga paa patungo sa aking tabi.

"Grabe! Pinag-alala mo kami ng kapatid ko, ha." I didn't look at him. Bakit hindi siya galit sa akin?

"Where's Catalina?" My voice was void of any emotion, as well as my face.

He sighed. "So you remember what happened?"

I nodded. "Answer my question."

"Nasa bahay ni Headmaster."

"How is she?" Nakita ko ang pagsulyap niya saglit sa akin bago itinuon ang mata sa labas ng bintana.

"Ang sabi naman niya ay okay na siya." Napansin ko ang panay na pagsulyap niya sa akin.

"If you have questions… just ask me." I know what he will ask, and I will answer it honestly.

"A-ano ang nangyari kahapon? Bakit mo iyon ginawa kay Miss Catalina?" Kahapon? Kung gano’n, ay halos isang araw na akong walang malay.

Hindi ako agad sumagot nang may marinig akong pumasok.

"Sera? OMG! You're awake." Mabilis na lumapit si Arianna saka ako niyakap.

"Okay ka na ba? Wala bang masakit? Ano ba ang nangyari kahapon, ha?" Hindi ko pinansin ang ibang mga tanong niya.

I sighed deeply. "I don't know... Hindi ko kontrolado ang sarili ko kahapon." Nagkatinginan sila.

"I had the urge to destroy… to kill someone." Umiwas ako ng tingin. "Alam ko ang mga ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko." Napayuko ako. I am ashamed. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin, lalong-lalo na si Catalina.

Arianna held my hand. "It's okay, Sera. Wala ka namang nasaktan o nasira." Her voice was soft.

Umiling ako. "I hurt Catalina, Arianna. Paanong wala akong nasaktan?"

"You didn’t. Wala namang kahit anong sugat si Miss Catalina." I avoided Arisson's gaze. Walang sugat physically, but I know I did damage inside her. Naramdaman ko iyon kahapon, ang pagkawala ng isang mahikang hindi ko alam na mayroon ako.

"She is not hurt physically, Arisson, but I know I hurt her! Please... don’t lie just to make me feel better." Umiwas siya ng tingin. "I hate it."

Hindi ko alam kung anong uri ng mahika ang naramdaman ko kahapon, ngunit ang alam ko ay delikado ito.

"Bakit hindi natin puntahan si Miss Catalina, Sera? Para na rin malinawan tayo kung ano talaga ang nangyari kahapon." She was looking at me gently.

"Ano ang mukhang maihaharap ko sa kanya, Arianna?" I said in a defeated tone. Mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Don't worry. Hindi naman siya galit." She smiled softly. "Alam mo bang sinabi niya pang sunduin namin siya pag nagising ka na." What she said didn't make me feel better.

"Not now." Tumango naman sila. "Naiintindihan namin, Sera."

"How about kainin muna natin itong binili kong pagkain? Hindi pa ako nag-aalmusal eh." Inakbayan ako ni Arisson saka ako iginaya sa kama kung saan ako natulog. I was not uncomfortable with his touch, so I let him.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon