Someone's POV
"Sigurado ka ba sa nakita mo, Allen?" Rinig kong tanong ni Crystal kay Allen. Nasa likod ko sila.
"Oo, kitang-kita ng dalawang mga mata ko," sagot naman ni Allen.
"Hinaan niyo ang boses niyo kung gusto niyong makalabas pa tayo dito nang buhay," saad ko habang tinanggal ang malaking sanga ng punong nahulog sa daanan namin.
"Saan mo nakita ang babae, Allen?" tanong ko. Ang sabi niya ay may nakita siyang babaeng walang malay na nakasandal sa isang puno. Sugatan daw ito na sa tingin niya ay dahil sa mga lobong nasa paligid niya.
"Malapit na dito." Nauna siya kaya sumunod kami ni Crystal.
Limang walang buhay na lobo ang aming nadatnan pagdating namin sa lokasyong sinasabi ni Allen. Nabaling ang aking tingin sa babaeng nakasandal sa puno na tila tulog. Natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha kaya hindi namin nakikita ang itsura niya.
Lumapit ako dito bago dahan-dahang hinawakan ang pulso niya para malaman kung buhay pa ito.
"Buhay pa siya," saad ko bago tumayo. Napatingin ang dalawa sa akin.
"Ano ang gagawin natin sa kanya?" tanong ni Allen. Napatahimik ako sa sinabi niya.
"Tanga ka ba?! Siyempre tutulungan natin. Bobo lang?" Napakamot ng batok naman si Allen dahil sa sinabi ni Crystal. Lihim akong napatawa. Lagi na lang tiklop itong si Allen kay Crystal, palibhasa ay matagal na siyang may gusto dito.
Lumapit si Crystal sa babae. Ngunit natulala ako nang tanggalin ni Crystal ang mga buhok ng babae na nakaharang sa kanyang mukha.
"A-ang ganda niya," namamanghang saad ni Crystal. Hindi ko namalayang napatango ako sa kanyang sinabi. Totoong maganda siya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang itsura. Maihahalintulad sa isang diyosa ang ganda niya kahit hindi pa ako nakakakita ng diyosa.
"Ang dami niyang sugat pero hindi nakakabawas sa ganda niya," saad naman ni Allen. Lumingon si Crystal saka sinamaan ng tingin si Allen. Napangisi ako, mukhang may nagseselos.
Lumapit ako sa babae at saka dahan-dahang binuhat na parang bagong kasal.
"Tara na, kailangang magamot ang mga sugat niya," saad ko bago nagsimulang maglakad patungo sa bahay kung saan kami nakatira.
Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Hinayaan kong si Crystal ang gumamot sa kanya gamit ang mga halamang gamot dahil wala namang may abilidad sa amin ng paggamot.
"Saan kaya nanggaling ang babae?" Iyan din ang katanungan ko. Walang ibang tao ang naninirahan sa lugar na ito kundi kami lang kaya posibleng galing siya sa malayong lugar.
"Aalamin natin ’yan pagkagising niya," sagot ko sa tanong ni Allen.
"Pero ’yung mga lobo... siya kaya ang gumawa nun?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Posible ’yan. Baka nakalaban niya ang mga iyon kaya siya maraming sugat," sagot ko.
"Pero ang ganda niya, noh? May nobyo na kaya siya?"
"Baka-" Napatigil ako saka kumunot ang aking noo. "Bakit ka ba tanong nang tanong?!" Naiinis na tanong ko.
Ngumisi siya. "Eh bakit ka ba kasi sagot nang sagot sa tanong ko?" Magsasalita pa sana ako nang lumabas si Crystal sa kuwarto kung nasaan ang magandang babae.
"Nalagyan ko na ng mga halamang gamot ang mga sugat niya," saad ni Crystal saka umupo sa tabi ni Allen.
"Habang hinihintay natin siya, Ace, bakit hindi ka muna magluto para may makain ang babae mamaya pag nagising na siya?" Maayos ang pagtatanong ni Allen pero kita ko sa kanyang mga mata na may ibang rason pa siya.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasi[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
