Chapter 17

7.2K 143 4
                                        

Seraphina's POV

Pinanood ko si Arianna na umalis hanggang hindi na siya mahagip ng mga mata ko. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo mula sa kamay ko, pero hindi ko ito inalintana. Huminga muna ako ng malalim bago ko isagawa ang aking pinaplano. Ang plano ko ay umaktong naliligaw, kaya ganoon ang ginawa ko.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at kunwari ay nagmamadaling nagtungo sa kanila. I acted like I was tired from running.

"Tulu-ngan niyo po ako, pakiusap," nanghihinang saad ko. Napatayo sila at nagkatinginan.

"Anong ginagawa ng napakagandang dilag na katulad mo dito sa kagubatan, binibini?" one of the men asked, saka hinawakan ang siko ko at dinala ako sa tabi nila. I held my frown, ayaw na ayaw kong nagpapahawak kung kani-kanino.

"Lumayas ako sa amin pero naligaw ako," sagot ko. Based on their reactions, hindi sila naniniwala. That's why I acted more.

"P-please, help me. May nakaharap akong malaking hayop kaya ako nasugatan. Pakiusap, hindi ko alam kung paano ko gagamutin ang aking s-sarili," saad ko, at sumulyap sa kamay kong puno ng dugo. Nagkunwari akong naiiyak para mas maniwala sila.

"Hindi ka taga-rito?" tanong ng isa sa dalawang lalakeng nakita namin kanina, hindi pinansin ang sinabi kong sugatan ako. Tumango ako—and I'm not surprised to see their joyful and excited gazes.

"Nagkamali ka ng hiningan ng tulong, binibini," saad ng lalakeng sa pagkakaalam ko ay may hearing ability. Narinig ko namang nagtawanan sila, so I acted scared.

Damn! Ang galing ko palang umarte.

"W-what do you mean?" kunwari ay nanginginig kong saad habang umaatras. Hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang ng dalawang beses nang hawakan ng isa sa mga lalake ang siko ko nang mahigpit and I know for sure magkakapasa ito. Napakasensitibo pa naman ng balat ko.

"Pasensya ka na, binibini. Gustuhin man naming tulungan ka, mas mahalaga ang pera para sa amin," saad ng lalakeng maitim sa tabi ng lalakeng may hearing ability. Nagtawanan ulit sila.

"Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Baka kapag nakita ka ng pinuno, gawin ka pa niyang asawa. Sa angkin mong ganda at sa katawan na mayroon ka, siguradong mahuhumaling iyon sa’yo," saad pa ng isang lalake sabay hagod ng tingin sa katawan ko. I shivered. That’s disgusting. Hindi na ako nagsalita pa, kundi nagkunwari na lang akong umiiyak.

"Dalhin niyo 'yan sa selda kung nasaan ang ibang mga babae. Hintayin na lang natin si Jason at nang makaalis na tayo," saad ng lalakeng may hearing ability.

Hawak ng dalawang lalake ang siko ko. Nagpumiglas ako at muntik na akong mabitawan ng isa. Tsk. I wasn't even using all my strength.

Kinabisado ko ang daan na tinatahak namin, and I secretly carved a sign sa mga puno na nadadaanan namin using my power. I just hope makita nila Flynn ito.

Ilang minuto pa kaming naglalakad bago kami makarating sa apat na malalaking karwahe. May mga lalake ding nagbabantay dito. Hindi ito pangkaraniwang karwahe dahil mukha siyang selda, and I can feel the power radiating from it. Mukhang gumamit pa talaga sila ng mahika para siguraduhing walang makakatakas and that will be a problem.

Malakas akong hinila ng dalawang lalake na may hawak sa akin saka ako tinulak papasok sa isa sa mga selda. Hindi ko nabalanse ang katawan ko kaya tumama ako sa dingding nitong selda.

“Damn it!” mahinang daing ko dahil tumama ang kamay kong may sugat sa dingding.

“Can’t you be gentle even just a little bit?” Naiinis na bulyaw ko sa dalawang lalake pero hindi nila ako pinansin at sinara na ang pinto ng selda.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon