Seraphina's POV
Kumpleto sina Wendy pagdating ko sa dorm nila. Mukhang naghihintay sila dahil nasa pintuan pa si Wendy at mukhang nagaabang. Nang mapansin niya akong papalapit, ay tumakbo siya patungo sa akin.
“Sera! Halika, kanina ka pa namin hinihintay,” saad niya at kinuha ang maletang hawak ko, but I didn't let her dahil mabigat ito.
“Mabigat, Wendy. Ako na,” saad ko kaya napanguso siya.
“Let me help you... Yang backpack mo na lang din,” sabi niya at kinuha sa akin ang backpack ko kaya hinayaan ko na lang siya.
Pagdating namin sa loob ng dorm nila, ay namangha ako. This place screams luxury. Hindi siya katulad ng dorm namin, halatang mga importanteng tao ang nakatira dito. Nakaupo silang lahat sa sofa, puwera na lang kay Arianna at Sebastian na nakatayo ngayon sa harap ko.
“Welcome, Sera!!” sabay na sigaw ni Arianna at Sebastian. May hawak pa silang mga confetti. I chuckled. They are so OA, but I appreciated their efforts to welcome me.
“Thank you,” sagot ko.
“Bakit ang tagal mo, Seraphina?” tanong ni Catherine.
“I took care of something first,” sagot ko saka lumapit sa tabi niya at umupo. Ang sakit ng paa ko dahil sa paghahanap kay Alyana kanina.
“Dito na tayo mag-dinner. Huwag na tayong pumunta sa cafeteria. Magluluto ako, ipapatikim ko kay Sera ang mala-high class na luto ko,” saad ni William at ngumiti sa akin, kaya nginitian ko naman siya ng tipid. Naghiyawan sila kaya nagulat ako.
“Yown oh! Ang tagal na rin mula noong nagluto ka,” sagot ni Sebastian.
“Yeah, you really should. I miss your food na kaya,” sabi naman ni Arianna.
“You should cook my favorite, Kuya!” sabat ni Wendy at lumapit kay William at kumapit sa braso niya. Natatawa namang tumango si William saka siya tumingin sa akin.
“Do you have any particular food you like, Sera? I can cook it for you,” saad niya. Dahil sa sinabi niya ay napangiti ako. He is the first person who told me that he'll cook for me. That’s really nice of him.
“Anything will do,” sagot ko. Tumango naman siya at nagtungo na sa kusina, ata.
“While he is cooking, let us help you organize your things,” saad ni Wendy. Tututol na sana ako nang magsalita siya ulit.
“No buts, Sera. Ilang beses mo nang tinanggihan ang alok ko ha, nakakatampo ka na,” sabi niya at ngumuso kaya wala akong nagawa kundi pumayag.
“Let's go, girls!” sabi ni Arianna at tumayo saka kinuha ang backpack ko na nasa tabi niya.
“Kayo na lang. I won’t come,” napatingin ako kay Asara na maarteng nagsalita. Nasa tabi niya si Flynn kaya hindi ko rin maiwasang mapasulyap sa kanya na nakatitig sa akin. Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin.
Naiinis ako sa kanya at kay Asara kahit wala naman silang ginagawang masama. I sighed before standing.
“Kung ayaw mo, hindi ka namin pinipilit,” sagot naman ni Arianna at inirapan si Asara. Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang maletang dala ko.
“Tulungan na kita diyan, Sera. Mukhang mabigat, may hagdan pa naman,” alok ni Catherine pero umiling ako.
“Kaya ko na,” sagot ko at ngumiti ng maliit.
“Let me carry it, girls. Ang mga babae, hindi dapat nahihirapan,” saad ni Arisson na nasa tabi na pala namin ni Catherine. Kumindat pa ang loko.
Kinuha na niya mula sa kamay ko ang maleta kaya wala akong nagawa kundi ibigay na lang. Pero nagulat kaming lahat nang tumayo si Flynn at kinuha kay Arisson ang maleta.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
