Chapter 44

6K 129 3
                                        


Seraphina's POV

Pinapanood namin sina Allen at Ace habang nagsisibak ng mga kahoy. It was fun to watch them. We can see their well-defined body dahil naka-topless silang dalawa. Tatlong linggo na akong nananatili dito. They let me stay here kaya malaki ang pasasalamat ko.

It wasn't really my plan to stay here, pero dahil sa mga pinag-usapan namin noong gabing iyon ay napagdesisyunan kong manatili muna dito.

I need to get their trust dahil malaking tulong sila sa plano ko. I am not using them for my own gain. They will surely benefit from what I am planning to do. And besides, I am protecting them from any possible danger that is coming on their way.

"Natulala ka diyan, huy!" Pumitik si Crystal sa harap ng mukha ko kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.

"Ikaw ha! Kanino ka may pagnanasa sa kanilang dalawa?" nakangising tanong niya. I rolled my eyes.

"Kay Allen, bakit?" Natigilan siya sa sagot ko. Mukhang hindi niya ito inaasahan.

"B-bakit siya!? Ang pangit niya. Mas maganda pa ang katawan ni Ace. Bulag ka ba?!" I smirk at her.

"Halata ka, Crys. Nagbibiro lang ako." Natahimik siya kaya lumingon ako sa kanya. Namumula ang mukha niya.

Umiling-iling ako bago tumayo at bumalik sa loob ng bahay. Sa ilang araw na magkakasama kami ay mas napalapit ang loob nila sa akin, at gano’n din ako sa kanila. I couldn't stop even if I wanted to dahil masaya at komportable silang kasama.

Nagluto ako ng aming tanghalian ngayon. Ang sarap ng buhay dito, malayo sa gulo at walang mananakit sa’yo, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng pangungulila sa Akademyang iyon.

Paminsan-minsan ay pumapasok sila sa isip ko, lalo na siya, at hindi ko pa rin mapigilang masaktan kapag naaalala ko ang nangyari. The way they look at me and their harsh words became imprinted in my mind, na siyang dahilan minsan kung bakit ako binabangungot.

Napabuntong-hininga ako bago ipagpatuloy ang aking ginagawa.

"Ang bango naman! Ano ’yang niluluto mo, Seraphina?" tanong ni Ace na kakapasok lang dito sa loob ng kusina. Topless pa rin kaya hindi nakatakas sa akin ang anim na bukol sa kanyang tiyan na may tumutulo pang pawis. Umiwas ako ng tingin dahil naaalala ko ang nangyari noon sa kwarto ni Aiden nung may sakit siya.

"Tinola," maikling sagot ko. Lumapit siya sa akin kaya medyo nailang ako.

"Patikim nga." Kumuha ako ng malinis na kutsara. Kumuha ako ng konting sabaw sa niluluto ko bago ito isubo kay Ace.

"Mhhm! Sarap mo talaga magluto, Seraphina… Pwede ka na mag-asawa." Napairap ako sa sinabi niya.

"Ilang beses mo na bang sinabi ’yan, Ace?" Kada titikman niya ang mga niluluto ko, ’yan ang sinasabi niya.

"Gusto ka na atang asawahin, Seraphina," natatawang sabat ni Allen na kakapasok lang din sa kusina kasama si Crystal na may ngisi na namang nang-aasar.

"Gago! Wala akong sinabi." Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Ace kaya napailing ako.

"Kaya nga, Allen, wala siyang sinabi kaya ’wag mong asarin. And besides, I already have someone in my mind." May pangisi-ngisi ka pang babae ka ha. Humanda ka.

"Sino?" tanong ni Ace. Mababakas ang kaseryosohan sa kanyang mukha.

Ngumisi ako. "Si Allen," I said nonchalantly. Sabay-sabay silang napanganga dahil sa aking sinabi.

Mabilis na lumapit sa akin si Crystal tsaka hinila ng mahina ang aking buhok, na siyang ikinatawa ko.

"Hoy babae! Bawiin mo ang sinabi mo dahil kung hindi ikaw ang titinolahin ko!" Mabilis na tinanggal ni Ace ang kamay ni Crystal sa aking buhok.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon