Chapter 19

7.5K 146 6
                                        

Arianna's POV

Nasa karwahe kami ngayon papunta sa Kaharian ng Earthenreach Kingdom. Dalawang karwahe ang ipinadala ng palasyo. Kasama ko dito sa isang karwahe sina Elijah, si Wendy at ang kapatid niya, si Sera, at siyempre mawawala ba naman si Aiden na laging nakasunod kay Sera na katabi na naman niya ngayon. Akala mo naman mawawala-hays, pag-ibig nga naman. Di na lang nila ako tularan. Tatanda na atang dalaga, di gaya ng kapatid kong kaliwa't kanan ang babae.

Dahil kaharap ko sina Sera, ay malaya kong nakikita ang pangungulit ni Aiden sa kanya. I don't know what happened between them at the village pero parang iwas na iwas si Sera kay Aiden, pulang-pula pa ang mukha ng gaga. I couldn't stop myself from smiling. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Aiden, and Sera is the only one who can bring out this side of him. Napailing-iling ako. Talaga bang sa love story ng iba na lang ako kikiligin? Kawawa naman ako.

"We're here," biglang saad ni Elijah na dahilan ng pagkagulat ko. Kita mo, hindi ko pa napansin na nakarating na pala kami. Nauna akong bumaba dahil ako ang pinakamalapit sa pinto. Kasabay kong bumaba si Aris mula sa karwaheng gamit nila.

Nasa harap kami ng palasyo ngayon at hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda ng Earthenreach Kingdom kahit ilang beses na akong nakapunta dito. Napapaligiran ng mataas na pader na gawa sa bato na may mga nakaguhit na disenyo na konektado sa kanilang kapangyarihan. I don't really understand kung ano yung mga nakaguhit diyan dahil ang mga nakakaintindi lang daw ay 'yung mga may kapangyarihan na konektado sa Earth element. Nasulyapan ko ang paninitig ni Sera sa mga nakaguhit sa mataas na pader. Siguro dahil unang tapak niya ay nahihiwagahan din siya sa mga guhit na ito.

Who wouldn't? Napakahiwaga nga naman talaga niyan dahil gawa pa iyan ng mga sinaunang hari at reyna ng Earthenreach Kingdom.

Seraphina's POV

I couldn't take my eyes away from those carved designs. I can see from here a carved wave of water, a twirling air, a flame of fire, and a scattered sandstone. There is like a rope carved that connects the four with each other.

For some reason, by just looking at it, I can fully understand what it means.

I squinted my eyes for a clearer view. From what I understand, the designs symbolize the connection of the four Elements. The wave of water represents life and unity, habang ang umiikot na hangin ay nagpapahiwatig ng kalayaan, and the flames of fire signify determination. The scattered sandstone represents strength. If those four are together, they signify the balance, strength, and resilience of every kingdom-so for short, the overall message ay dapat mapanatili ang maayos na samahan ng apat na kaharian dahil kung hindi, ay mawawala ang balanse ng mundong ito. But something really caught my attention: it was the carved sun in the middle of those four. But before I can even interpret what it means, ay may nagsalita sa tabi ko.

"I know it is beautiful, ganyan din ang reaksyon ko noong una kong nakita 'yan. But Sera, we have to go inside. Kanina pa namin kayo tinatawag ni Aiden, pero 'yang isang 'yan ayaw ka pa atang istorbohin. Sino nga ba naman ang may gustong istorbohin ang napakaamong mukhang 'yan. Kung ako lang, ay baka titigan na lang din kita magdamag. But I have to take action dahil hinihintay na sa atin ang Hari at Reyna," walang prenong saad ni Wendy. I didn't hear some of what she said dahil para siyang tangang may pabulong-bulong pang nalalaman.

Lumingon ako sa likuran ko dahil sa narinig kong mahina at malalim na tawa. And from that laugh alone, alam ko na kung sino siya-sa amoy pa nga lang, alam ko na. Sa tawa pa kaya? Of course, it's no other than Flynn.

"Let's go, shall we? Let's not keep the King and Queen waiting. Don't worry, we have plenty of time later. I'll go with you to see those carved designs up close," saad niya, saka siya humawak sa bewang ko gamit ang kanyang kanang kamay. Tumango na lang ako dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay mauutal lang ako dahil sa mainit na palad niyang nakahawak sa bewang ko.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon