Chapter 8

8.4K 168 12
                                        

Seraphina’s POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa Headmaster's office. Pupunta ako roon para sabihin sa kanya ang sinabi ni Luwina sa akin. Pagdating ko, kumatok muna ako para malaman kung nasa loob ba siya. Nakarinig ako ng boses kaya pumasok ako.

"What brought you here, iha? Do you need something?" agad niyang tanong.

"I came here to talk to you. Luwina asked me for a favor. She told me to talk to the higher-ups, that’s why I’m here," sagot ko. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang mga mata.

"Luwina? Ang tagapangalaga ng Twilight Everbark Forest? Bakit? Ano ang sinabi niya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Sinabi niya sa akin na gusto niyang humingi ng tulong sa inyo. She wants you to protect her home dahil nararamdaman niya na malapit na ang digmaan," seryosong sagot ko.

"Mukhang malapit na nga talaga," bulong niya habang natulala sa kawalan, kaya napatikhim ako. Napatingin naman siya sa akin.

"Why do I feel like you can help us with this? Hindi ikaw ang pipiliin ni Luwina na magsabi nito kung walang rason. Do you have any suggestions?" seryosong tanong niya.

"You can make a barrier," sagot ko, kaya napakunot ang noo niya.

"That would be easy to do, but it would also be easy to destroy. Kung gano’n lang din, mabilis lang mapapasok ito ng kalaban."

"Make not just a simple barrier, but a strong one. I read a book before. You can create a strong barrier using the four elements combined together." Dahil sa sinabi ko, malawak siyang napangiti.

"You’re a genius, Miss Seraphina. Thank you for that information. But let me ask you, anong libro at saan mo ito nakuha? Because as far as I remember, there is no book consisting of that kind of information. You see, I collect books, that’s why I know." Nang-uusisa ang mga mata niya.

"My guardian gave it to me when I was young, Headmaster."

"Alright, I understand. Thank you again, Miss Seraphina. And by the way, we will need your help kapag isasagawa na ang barrier. I will call you. Kakausapin ko pa ang royalties about this. You may go." Tumango ako at lumabas na ng kanyang opisina.

Patungo ako ngayon sa combat class namin. Wala ang teacher namin kanina sa History at Potion Making kaya wala kaming ginawa kundi tumunganga.

Hopefully this time meron na. Nakakabagot ang walang ginagawa. Pagdating ko, marami nang estudyante. Nandito na rin ang royalties. Kumakaway pa sa akin si Wendy habang papunta ako sa upuan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakaupo sa tabi kong upuan si Flynn. Kailan pa 'yan naging upuan niya?

"Hi! Sera, ba’t ang tagal mo? Saan ka galing?" sunod-sunod na tanong ni Wendy.

"Headmaster's office," maikling sagot ko habang umuupo.

"Kinausap mo na siya about kay Luwina? Anong sabi niya?" tanong naman ni Arianna.

"Yeah. Kakausapin niya daw kayo tungkol doon," sagot ko. Nagulat sila.

"Kami? Bakit?" tanong ng isa pang anak ng general, Catherine ata ang pangalan.

"He might need your help," sagot ko. Naiinis ako, ang dami nilang tanong.

"Ano daw gagawin namin, babe?" tanong ng kapatid ni Arianna, si Arrison. I felt my seatmate stiffen. And what did he just call me? Babe? Are you serious?

"I don’t know, ask him. And please, don’t call me babe, I’m not a pig," malamig na sagot ko.

"Don’t call her babe kasi nagmumukha na nga siyang pig eh," sabat ni Asara habang natatawa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Arianna.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon