Chapter 22

6.7K 127 4
                                        

Seraphina's POV

Kasabay ng paglabas ko sa aking kwarto ay siya ding paglabas ni Arianna sa kanyang silid. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago kami nagtanguhan. We will not do what we did at Mosswood Village... I've learned my lesson. Kanya-kanya kami ng katok sa mga kwarto ng mga kasama namin. Inuna kong kinatok ang kwarto ni Flynn.

"Flynn, open the door, this is an emergency." Patuloy kong kinakatok ang kwarto niya pero wala pa ring sumasagot.

"Flynn! Ano ba?! Open this goddamn door!" Nag-aalala na ako. Umalis ba siya? I tried to open it pero naka-lock ito. Lahat ng mga kasama namin nagising na, siya na lang ang wala.

"Go there first. Gisingin ko lang si Flynn." I told them, at sinunod naman nila ito saka nagmamadaling umalis but I froze when I heard a loud explosion.

Shit, what is happening?!

"Flynn! Baby, please open the door! Are you okay?!" Dahil sa pagkataranta, hindi ko na napansin ang mga katagang lumabas mula sa aking bibig. And thank God! Binuksan niya din. Mukhang kagigising lang niya pero nakangisi na naman.

"You called me baby." It’s not a question but a statement. May sumabog na’t lahat-lahat, 'yun pa ang una niyang pinansin.

"N-no, I did not! Ano bang pinagkakaabalahan mo at ang tagal mong buksan ang pintuan? I was worried! I thought something bad happened to you!" I almost shouted at him because of frustration. Wala naman siyang sinayang na oras at lumapit siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko.

"Nothing bad happened to me, okay, love? I’m fine. Please calm down." Mainit ang palad niya. I know he is always warm, pero iba ngayon, sobrang init niya. May sakit ba siya?

"How can I calm down, Flynn? May umaatake sa Akademya! At tsaka tell me, may sakit ka ba?" Napaseryoso siya sa sinabi ko.

"Usap tayo mamaya. Let's deal with the problem first." Wala naman akong nagawa nang hilain niya ako. Naabutan namin sa field sina Wendy kasama si Headmaster at ibang Academy staff na seryosong nag-uusap.

"This is bad. Nagsisimula nang magparamdam ang mga Dark Mages," ang narinig kong sinabi ni Headmaster.

"What happened?" tanong ng kasama ko. Napatingin ako dito.

"Sinubukang pasukin ng mga Dark Mages ang Twilight Everbark Forest ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa Barrier. But there are some creatures that died because of the explosion that they did. Pero nang hindi nila napagtagumpayan ang plano nila sa forest, ang Akademya ang isinunod nila. I don't know what they did or what magic they used but the barrier has weakened." Mahabang paliwanag ni Headmaster na mukhang sobrang problemado.

"When we tried to chase after them, bigla na lang silang naglahong lahat. It's like it’s not part of their plan to fight," saad ni Elijah.

"So, ang sirain ang Barrier lang ang plano nila?" William voiced out my thoughts.

"Mukhang ganoon na nga," sagot naman ni Mr. Collins. Napansin kong ang mga mata niya ay nasa akin kaya napataas ang kilay ko. Namumula naman itong umiwas. Nagtataka naman ako... Anong nangyayari sa kanya?

I felt Flynn’s hand around my small waist. Napaangat ako ng tingin sa kanya, seryoso lang siyang nakaharap kay Headmaster na nagsasalita pero ang noo niya ay nakakunot na naman. 'Yan ba ang favorite niyang gawin? Ang pagkukunot ng noo?

"Mr. Collins, magmanman muna kayo ngayong gabi. Kumuha ka ng lima mong kasama. Hindi natin alam, baka bumalik sila. And Royalties, I will talk to all of you tomorrow. Faculties, please follow me. We have to talk about something," Headmaster said with his authoritative voice.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon