Chapter 24

6.3K 124 1
                                        

Seraphina's POV

It was still four in the morning, pero gising na ako. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako dahil kahit nakapikit ang aking mga mata, gising na gising naman ang diwa ko. I keep on thinking kung ano ang mangyayari kung makikita ko ang mga taong iyon.

Hindi ko nga pala naipaalam kina Flynn na sasama ako sa mission. Wala sila dito pagdating ko kagabi. Maybe they were at the cafeteria that time, ganoong oras kasi kami nagdi-dinner. Dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog, I decided to get ready although five a.m. ang time ng meet-up namin.

I spent almost twenty minutes getting ready and now I'm already here, downstairs, waiting for them. I'm wearing dark green baggy pants paired with a fitted crop top. My hair was done in a messy bun and few strands fell on my face. Ilang minuto pa akong naghintay bago sila sunod-sunod na bumaba.

"Sera?! You're going?" Wendy excitedly asked me at saka lumapit. Ikinawit na naman niya ang kanyang braso sa akin, her favorite gesture. Tumango ako.

"I thought you won't? Sabi ni Flynn kahapon." Pure curiosity was written on Alexander's face. Napatingin naman ako kay Flynn na nasa likod nila. Seryoso ang ekspresyon na nasa mukha niya.

"Nagbago ang isip ko." Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. I felt guilty kasi mission namin 'yun and it was my responsibility to go as part of the highest section, pero naisipan kong hindi pumunta.

I heard a scoff.

"So gano'n na lang 'yun? Pupunta ka hangga't gusto mo at kung ayaw mo, ayaw mo na lang?!" It was written on Asara's face how much she is pissed with me. Napatitig ako dito. I can't tell them the real reason kung bakit naisipan kong umayaw.

"I have my reason," sagot ko dito.

"No, you don't. Excuse ang meron." Hindi man nila sabihin, I know that some of them are annoyed with me.

I displayed my emotionless face. "If you don't want to believe me, then don't." Malamig ang boses ko, saka nauna nang lumabas bitbit ang backpack na kinalalagyan ng mga gamit ko.

I clenched my fingers. If they don't believe me, I don't fucking care. Hindi ko inalintana ang sumisidhing kirot sa aking puso. Napakaliit lang na bagay, hindi nila ako mapagkatiwalaan. Paano pa kaya kung mabigat na?

Naaninag ko si Headmaster sa labas ng gate na naghihintay, pero may kasama siya. I squinted my eyes to get a clearer view and by the masculine appearance, that's Mr. Collins.

"Miss Seraphina! I'm glad you came, iha. I know you had a reason for thinking of not coming and I understand that, pero masaya pa rin ako dahil nakapunta ka. Catalina told me in my dreams na mas mabilis niyo siyang mahahanap kung kasama ka, kaya gayun na lang ang kagustuhan kong pumunta ka," labis ang pagkakangiti ni Headmaster. Tumango naman ako at ngumiti ng tipid, at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Good morning, Headmaster, Mr. Collins," bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning," Mr. Collins greeted me back with his deep voice.

"Nasaan ang iba, iha?" nagtatakang tanong ni Headmaster.

"Nahuli po, but they are coming," sagot ko. I curiously eyed Mr. Collins. I am curious why Mr. Collins is here. Kasama ba namin siyang pupunta sa mortal world?

Sabay-sabay kaming napatingin dahil sa pinanggalingan ng boses na aming narinig. They are here. Iniwasan kong tumingin sa kanila at hindi ko sinadyang tumama ito kay Mr. Collins, who was looking at me. Mabilis siyang napaiwas ng tingin habang namumula ang tenga. What's with him and his red ears? Lagi ko na lang siyang nahuhuling ganyan.

"Headmaster, matagal na po ba kayo dito?" nagtatakang tanong ni Arianna saka lumapit sa aking tabi.

"Hindi pa naman masyado, iha. Ano, kumpleto na ba kayo?" tanong ni Headmaster. Ramdam ko ang isang presensya sa aking tabi. Even if I don't look at him, nakilala ko siya dahil sa bilis ng pagtibok ng aking puso.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon