Chapter 21

7K 130 11
                                        

Seraphina's POV

It's been three days mula nang makauwi kami galing sa Earthenreach Kingdom. Binigyan kami ng three-day rest ni Headmaster kaya ginamit ko ang mga araw na iyon para maghanap ng impormasyon. Just like now, nandito ako sa library imbes na nasa room ako.

Tinakasan ko sila Wendy dahil ayaw akong tantanan, laging nakabuntot sa akin lalo na si Flynn na kulang na lang ay sa kwarto ko matulog. Minsan na ding pumasok sa isip ko na hayaan siyang matulog sa kwarto ko. Muntik na nga akong madulas sa banyo nang bigla ko na lang naisip 'yon. Nagiging weird na ako when it comes to him. Hindi ko na nga makilala ang sarili ko ngayon, malayong-malayo na sa dating ako. Wala akong pakialam sa mga tao noon, lalo na kung lalaki, but when it comes to Flynn, ang dali-daling pasukin ng sistema ko.

I deeply sighed. I should focus on what I am doing hindi 'yung kunong iniisip ko. Baka kung saan na naman ako mapunta.

Hawak ko ang isang puting libro na ang title ay Divine. Sobrang maalikabok ito at halatang luma na. This book accidentally fell, hindi ko nga alam kung saang parte ng bookshelves ito galing. Parang milagrong nahulog na lang bigla. I didn’t hesitate to open it sa sobrang curious ko kung ano ang nilalaman nito.

Tumambad sa akin ang blankong pahina. Bakit ito blanko? I moved to the next page pero blanko din ito. Ganun ang ginawa ko hanggang sa pinakahuling pahina, ganun pa rin. What the heck! Ano ang silbi ng librong ito kung wala naman palang laman? Sa inis ko, padabog ko nang isasara sana, nang biglang unti-unting nagkaroon ng larawan ang pinakaunang pahina.

Muntik ko na itong maihulog dahil sa aking nakita. I know them... I fucking know them so well, but there is one image that I don't recognize. Nanginginig kong hinaplos ang imahe nito. Napakaamo ng mukha niya. Long curly brown hair, gray doe eyes, small pouty lips, and a small pointed nose.

S-she looks like me. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa libro. I can't believe it... Sino siya? Bakit kasama niya sina Freyja? Is she one of them? B-bakit kamukha ko siya?

Halos mahilo ako dahil sa dami ng tanong na bumabagabag sa isip. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil parang mawawalan ako ng malay. But despite that, the warmth I felt just by looking at her image didn’t go unnoticed as I stared at her.

Esmeralda.

That's her name. Nakasulat ito sa taas ng larawan niya, ganoon din sa ibang larawan sa tabi niya si Vishnu, Freyja, Loki, and Isis.

Looking at their image gives me a nostalgic feeling. Hindi maitatanggi na ibang-iba ang kagandahan at kakisigan nila sa mga normal na nakikita ko araw-araw. Their looks are so majestic, but you can still notice na mukha pa rin silang mas matanda sa akin. How old are they again? Sa tagal kong kilala sila, hindi ko man lang alam kung ilang taon na sila. Gusto ko silang puntahan at kausapin, but I don't know how. Malalim akong napabuntong-hininga at saka tumayo. Tama na muna siguro ito. Nahihilo na ako, nadagdagan na naman ang iisipin ko.

Tulala lang akong naglalakad papuntang cafeteria nang may mabunggo akong matigas. Nag-angat ako ng tingin at mas nagulat pa ako sa mukhang sumalubong sa akin kaysa sa pagkabunggo ko sa dibdib niya. Malamlam ang matang sumalubong sa akin.

"Why are you not yourself? Is there a problem?" Makikita ang pag-aalala sa mga mata niya, kaya hindi ko magawang umiwas ng tingin kahit pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Is he worried about me?

"Please talk, baby... I'm worried." Did he hear my thoughts again?

"Nalilito na ako, Flynn... Hindi ko na alam kung makakapaghintay pa ba akong masagot ang mga katanungan ko." Tunog pagod ang boses ko. Totoong napapagod na ako. Sa ilang araw kong walang pahinga sa paghahanap ng impormasyon, wala akong nakuha kundi puro katanungan lang.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon