Seraphina's POV
A small house surrounded by many trees. Yan ang nasa harapan namin ngayon. It was Catalina's house.
"Wala naman atang tao." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Catherine at kinatok na lamang ang pinto. We waited for how many minutes, but no one opened it. Nagkatinginan kami ni Flynn na nasa aking tabi. I knocked again, and this time ay bumukas na ang pinto.
I saw a middle-aged woman. Nakangiti siyang nakatingin sa amin.
"Sino kayo?" She clearly knows who we are, why is she asking?
"We are from Celestial Academy, Miss Catalina." sagot ng katabi ko. I saw her smile widely.
"Kung gano'n ay pumasok muna kayo."I roamed my eyes inside her house. Maliit lang sa labas pero dito sa loob ay malawak. Maraming libro ang nagkalat at iba't ibang halaman din ang nandito.
"Alam kong pupunta kayo, pero hindi ko alam na matutunton niyo ako ng ganito kaaga." she said while making us a drink.
"Nahirapan nga po kami sa paghahanap sa inyo, Miss Catalina." Alexander laughed awkwardly.
"You were expecting us to come. Then do you know the reason why?" I said, my voice serious.
Sumulyap siya sa akin habang inilalapag ang mga inumin sa maliit na table sa harap namin.
She smiled. "Oo, Iha. I know the reason." I raised my eyebrow. Kung alam niya, bakit kailangan pang sunduin namin siya?
"Then... bakit hindi ka na lang bumalik? Kailangan pang sunduin ka namin?" I heard her chuckle. Ngumiti siya sa akin ng makahulugan.
"In order to face the future... you have to overcome the past first." Hindi ako nakasagot. Ang layo naman ng sagot niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano po ang ibig niyong sabihin, Miss Catalina?" nagtatakang tanong ni William. Catalina answered while still staring at me.
"There is a reason kung bakit ko kayo hinayaang hanapin pa ako and you know the reason." Bakit pakiramdam ko sa akin niya sinasabi ito? Walang sumagot sa amin.
"Alright! I will just get ready, then babalik na tayo sa Academy."
Pumasok siya sa isang kuwarto. Naiwan kaming may tanong sa isipan dahil sa kanyang mga sinabi. Naguguluhan ako.
Naghintay kami ng ilang minuto bago siya lumabas.
"Let's go." Nagtatakang sumunod ang mga kasama ko kay Catalina.
Pamilyar ang daang tinatahak namin. Patungo ito sa loob ng kakahuyan kung saan ako napadpad noong sampung taong gulang ako. We stopped in the middle of the forest.
"Is this place familiar to you, Miss Everhart?" I looked at her before nodding. There is a portal here. Dito ako dumaan nung ako ay pumasok sa mundo nila... namin.
"Bakit, Sera? Ano ang meron sa lugar na ito?" tanong ni Wendy. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Catalina.
"May portal dito patungo sa ating mundo. Dito dumaan si Miss Everhart noon."
How did she know?
I frowned. "How did you know?"
There's her look again. Makahulugan siyang ngumiti.
"I know more than you think, Miss Everhart." Kung gano'n ay tama ang hinala ko. Her presence here in the mortal world has a connection with me.
Ramdam ko ang pagtataka ng mga kasama namin habang pinapanood kami.
"Okay! We should go." Hindi humiwalay ang aking tingin sa kanya habang gumagawa siya ng portal. I want to talk to- No... I need to talk to her. Siguradong may alam siya sa tunay na pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
