Wendy's POV
Nasa biyahe kami ngayon papunta sa lugar kung nasaan si Catalina. Nakasakay kami sa sasakyan na gaya ng unang sinakyan namin, na tinatawag ni Sera na bus. Ang sabi ni Sera ay aabutin kami ng limang oras bago makarating doon. Speaking of Sera, kahapon pa siya tahimik mula nung makauwi kami sa hotel galing sa orphanage.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kanya dahil sa mga napagdaanan niya noong bata pa siya. I almost cried yesterday while listening to them. It's not our intention to hear what they are talking about pero hindi soundproof ang kwarto kung saan sila nag-usap kaya narinig namin.
Sumulyap ako kay Sera na nakapikit sa tabi ni Aiden. Noong una ko siyang nakilala, akala ko siya iyong tipo na walang ka-proble-problema. Kaya sobra ang gulat ko na may madilim pala siyang nakaraan.
I smiled sadly. Hindi na nga niya kilala kung sino ang mga magulang niya, hindi pa naging maayos ang childhood life niya.
"Muntik na akong malunod sa lalim ng mga buntong-hininga mo, Wens," nagbibirong sambit ni Alexander na nasa aking tabi. Sumulyap ako dito.
"Iniisip ko lang kasi ang nangyari sa orphanage kahapon," mahinang sagot ko. His forehead formed a line.
"Nakikita ko ang awa sa mga mata mo." He looked at me intently. "But don't let Sera see it... She won't like it." Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"You're right. Hindi ko lang talaga maiwasang maawa sa kanya... I can't imagine how much she suffered, ang bata pa niya noon, Alex." Narinig ko ang pag-buntong-hininga niya bago sumagot.
"There is a reason for everything, Wendy. Tandaan mo 'yan," saad niya sabay pitik sa noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Malay natin, maybe she is destined to face something more bigger in the future and in order for her to succeed, she must experience those things when she was a child to become stronger." Natulala ako nang ngumiti siya. He chuckled softly when he glanced at me.
"K-kailan ka pa n-naging philosopher ha?!" I swiftly avoided his gaze. He saw me staring at him!! Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya tumalikod ako sa kanya. Dinig ko na mas lumakas pa ang pagtawa niya bago sumagot.
"Hmm, let me think... Ngayon lang ata." Natatawang sagot niya.
"Kayong dalawa, huwag kayong maglandian sa harap namin," sabat ni Arisson na nasa likod namin, katabi si Elijah. I blushed more because of what he said.
"Bakit, naiinggit ka? Pag inggit, pikit." Pangaasar ni Alexander.
"Gago! Ang daming babae na pwedeng landiin diyan," pabalang na sagot ni Arisson. Narinig ko ang pagkainis sa boses niya pero hindi pa rin tumigil si Alexander sa pangaasar sa kanya.
"Pero yung babaeng gusto mong landiin... hindi ka pinapansin." Sabay na nagtawanan ang mga lalaking kasama namin except kay Flynn, Elijah, at Arisson.
Arisson likes someone? Noon ko pa naririnig na inaasar nila Alex si Arisson pero hindi ko alam na totoo pala.
Sumulyap ako kay Arisson nang hindi siya sumagot. He was glaring so deadly at Alex while breathing heavily, mukhang napikon na. Tinapik ko ng mahina ang braso ni Alex kaya napatingin siya sa akin.
"Tama na, baka magalit pa." Mahinang sambit ko sa kanya. Tango lang naman ang naging sagot niya.
Seraphina’s POV
My back and bottom were hurting when we got off the bus. I looked around us… Maraming puno ang bumungad sa akin.
This place still looked the same. Kung may nagbago man ay ang mas nadagdagan pa ang mga punong nakatanim. I felt a sense of familiarity, this is the place I once called home. Dito ako dinala ng umampon sa akin noon.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
