Seraphina’s POV
Naalimpungatan ako sa tama ng araw sa aking mukha. As I slowly opened my eyes, I realized that I'm not in my house anymore. Narito nga pala ako sa Celestial Academy, the place where I can find answers to my questions.
A soft yawn left my lips as I slowly got up from my bed. Kailangan ko nang bumangon dahil first day of school at hindi dapat ako malate, to make a good impression.
Naglakad ako patungo sa bintana just to see a breathtaking view. It is a garden full of different flowers. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig ko din ang mga huni ng ibon, at hindi ko mapigilan ang maliit na ngiti sa aking labi habang nakatingin sa mga paru-parong nagliliparan.
I've always been so mesmerized by the beauty of nature. Pakiramdam ko konektado ako dito, and I always feel at peace when I am surrounded by nature. Siguro dahil namuhay ako ng ilang taon na ang kalikasan lang ang kasama at kasangga ko.
Iniwan ko ang bintana at nagtungo sa loob ng comfort room. Pagkapasok ko ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at naligo na. I feel so dirty, hindi pa naman ako nakapagpalit ng damit kahapon.
After bathing, I wore the uniform that I saw in my cabinet. Sakto lang sa size ko ito pero medyo hapit sa aking katawan. It is a white long-sleeve with a black above-the-knee skirt and a black necktie. Hindi ako sanay magsuot ng ganito, pero wala naman akong magagawa. After looking at myself in the mirror for the last time, lumabas na ako sakto namang kakalabas lang ni Alyana sa katabi kong kwarto.
“Good morning, Seraphina! Halika, sabay na tayo,” sabi niya nang may malaking ngiti sa labi sabay haklit ng braso niya sa braso ko.
I'm not comfortable being touched by other people, but I'll let this slide because I don't want to be rude.
“Morning,” tipid na sagot ko, at sabay kaming naglakad patungo sa kusina. Pagdating namin doon, may nakita akong tulalang babae na nakaupo sa isang silya.
“Good morning, Sofia!” Dahil sa malakas na boses ni Alyana ay nanlalaking mata na tumingin ang babae sa amin.
“Yana! Ginulat mo ako dun, bruha ka,” naiinis na sabi ni Sofia. Nag-peace sign lang naman si Alyana.
“Eto nga pala si Seraphina, bago nating dorm mate,” pakilala ni Alyana sa akin.
“Ako nga pala si Sofia, plant manipulator,” pakilala niya din sabay lahad ng kamay niya, kaya inabot ko ito at nakipag-shake hands.
“Nice to meet you,”
“Ang lambot ng kamay mo... sana all. Anyways, tara na sa cafeteria. Doon na tayo kumain, hindi ako nakapagluto, gutom na ako kanina pa.” Nauna na siyang naglakad sa amin.
Habang naglalakad kami, gaya nang kahapon, bulung-bulungan na naman ang naririnig ko. May papuri pero meron ding nanglalait but I don't care, huwag lang nila akong inisin.
Pagkarating namin sa cafeteria, as expected, madami nang estudyante. Pero may space pa naman dahil malawak itong cafeteria.
“Ako na mag-o-order ng kakainin natin. Just go and find us a seat,” sabi ni Sofia. Tumango na lang kami bago tumalikod.
“Doon tayo sa gilid, sa may bintana,” Alyana said at nagsimula nang maglakad. Nakasunod naman ako sa likod niya. I can feel their stares, they must be wondering who I am.
I looked around me. Napakadami pala ng estudyante ang nag-aaral dito. No wonder, ito kasi ang pinakasikat na eskwelahan at dito nag-aaral halos lahat ng kabataan sa apat na kaharian. According to my sources, this school is in the middle of Pyroflame Kingdom and Aerolia Kingdom.
Sa paglingon ko sa bahagi ng pintuan kung saan kami pumasok kanina, ay saktong may mga grupong nagsipasukan kasabay ng pagtahimik ng paligid. Napako ang tingin ko sa kanila. I can feel their powerful aura from here. Mukhang hindi sila basta-bastang estudyante.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
