Seraphina's POV
Pangalawang araw ko na ngayon dito sa Celestial Academy at inaabangan ko ang araw na ito dahil lalabas kami at pupunta sa Twilight Everbark Forest.
Pagkalabas ko sa aking silid ay nadatnan ko si Sofia na nakaupo sa sofa, mukhang naghihintay. Hindi niya ako napansin kaya nagsalita ako.
"Good morning," bati ko sabay upo sa sofa kaya napatingin siya sa akin.
"Good morning. Gising ka na pala, hindi kita napansin," sabi niya kaya tumango ako.
"Ang aga mo ata umuwi kahapon? Hindi ka rin nakain ng dinner. Gigisingin ka sana namin pero mukhang pagod na pagod ka kaya hindi ka na namin ginising."
"Maagang natapos ang klase ko kahapon," I said. I heard my stomach growl.
"Now that you've mentioned food, I suddenly felt hungry," sabi ko ulit kaya natawa siya at tumayo.
"Sige, teka lang. Tawagin ko lang si Alyana, mukhang gutom ka na talaga," saad niya. Nagtungo siya sa kwarto ni Alyana. Naghintay ako ng ilang minuto bago sila dumating.
"Good morning, Sera!" Masayang bati ni Alyana.
"Good morning."
Naglalakad na kami ngayon dito sa hallway patungo sa cafeteria. Ang dalawa naman ay puro daldalan lang sa tabi ko.
"Sera, may kumakalat na balita kahapon tungkol sa'yo." I looked at Alyana.
"What is it?" tanong ko.
"Kinausap ka daw ng dalawang prinsesa?" Is that a big deal?
"Yeah, they approached me while I was eating." Nakita ko ang dumaan na gulat sa mga mata nila.
"Weeh, hindi nga!? Akala ko fake news," nanlalaking mata na sabi ni Sofia.
"Anong sinabi sa'yo?" Alyana curiously asked.
"They said they want to be my friend?" Muntik nang madapa si Alyana kung hindi lang siya nahawakan ni Sofia.
"OMYGOSH!" Gulat na gulat na sigaw pa ni Alyana. I rolled my eyes. Ang OA naman ng mga 'to.
"Ang swerte mo, girl. Hindi basta-basta nakikipagkaibigan kung kani-kanino ang mga prinsesa," sabi ni Sofia.
Binuksan ko na ang pintuan sa cafeteria at nauna nang pumasok. Nagmamadali namang nakisabay ang dalawa sa akin. Magsasalita pa sana si Alyana pero hindi natuloy dahil sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin.
"Hi! Sera, would you like to join our table?" tanong ni Wendy.
Tatanggapin ko na sana ang alok niya pero nahagip ng mga mata ko ang itim na mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin.
Why is he looking at me again?
"I'm sorry, but I'm with my friends," sabi ko, dahilan para malungkot ang mukha niya. She pouted.
"They can also come with us," she said while pouting.
"Maybe next time... I promise," saad ko nang may maliit na labi.
Siguradong hindi ako makakakain ng maayos dahil sa mga tingin niya, gutom pa naman ako.
"Ok, sabi mo 'yan ha... Una na ako," saad niya sabay talikod.
Ipinagpatuloy na rin namin ang paglalakad patungo sa bakanteng upuan sa pinakagilid, malayo sa pwesto ng mga royalties.
"Dapat pumayag ka, Sera. Sayang naman," bakas ang panghihinayang sa boses ni Sofia.
"Tingnan mo ang mga mata ng mga babae sa paligid mo. If only looks could kill, we are already dead. Once na sumabay tayong kumain sa kanila, they will definitely make us live in hell. I'm not scared, I just avoided possible trouble and I don't want you two to get hurt," mahabang saad ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold a powerful power who's capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides good and evil are racing to find her...
