Chapter 12

7.8K 148 5
                                        

Seraphina's POV

We are currently looking at the bulletin board in front of us. Nakapaskil dito kung saang section kami kabilang.

"Omygosh! Sabi na eh sa Diamond mapupunta si Sera. I'm so proud of you, girl!" tumitiling saad ni Alyana. I chuckled, ang pangalan ko pa talaga ang una niyang hinanap at hindi ang pangalan niya.

"And you are in the section Amethyst. I'm also proud of you, Alyana," may maliit na ngiting saad ko rin.

She pouted. "Anong nakakaproud dun? Eh para sa mga hindi masyadong magagaling 'yon. Buti pa nga si Sofia, napunta sa Sapphire," tila nagtatampong saad niya.

"It's understandable naman, you're just a healer, kaya malamang sa mababang section ka mapupunta," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sofia. Bakit ganyan siya magsalita?

"Sorry ha, hindi kasi ako kasing lakas mo. Ano lang naman ako, I'm just a mere healer." Hindi nakatakas sa'kin ang sakit sa kanyang mga mata. Tumalikod na siya at nagmamadaling umalis.

"You could’ve said that nicely. Bakit mo naman pinagmukha siyang parang ang hina-hina niya?" nakakunot-noong saad ko saka sinundan si Alyana.

"Hey." Tumabi ako sa kanya sa paglalakad.

"Sera, gusto ko munang mapag-isa. You should go to your class, okay lang ako," sabi niya na may pilit na ngiti. Tututol na sana ako pero mabilis na niya akong iniwan. Napabuntong-hininga ako. Maybe she really does need space.

I was looking at the door in front of me, rinig ko mula dito ang ingay nila mula sa loob. Unti-unti kong binuksan ang pinto at tumambad sa'kin ang mga royalties na nagkukulitan. Napatigil sila at napatingin sa'kin.

"Sera?! OMG I knew it! Magiging kaklase ka na namin!" sigaw ni Wendy at lumapit sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit.

"Hindi na siya makahinga, Wendy," natatawang saad ni Arianna habang lumalapit at hinila ako mula kay Wendy.

"Welcome to our section, Sera," matamis na ngiting saad niya at hinila ako sa pwesto nila saka ako pinaupo.

"You're the only students here?" tanong ko habang inisa-isa silang tiningnan.

"Oo, kami lang. I mean, tayo na," maangas na saad ni Arisson sabay kindat sa'kin. Ngumuso ako.

"Burn! Wala pang sinasabi si Aris pero sa reaksyon pa lang, basag ka na," sambit ni Sebastian sabay tawa.

"Grabe babe, wala pang tayo sinasaktan mo na ako," he dramatically said saka umakting na nasasaktan.

"Tumigil ka nga, Aris. Huwag mong landiin si Seraphina, she deserves someone who's more handsome than you," saad ni Catherine saka inirapan siya.

"Yieee, nagseselos ang baby ko. Don't worry, loyal ako sa'yo," nakangising sagot ni Arisson.

"Gago, huwag ang pinsan ko," biglang sambit ni Alexander.

"Pasensya ka na sa kanila, Sera. Ganyan talaga sila," William said with his kind smile. I really like his smile parang hindi mo maiwasang ngumiti rin kapag nakita mo siyang ngumiti.

"It's fine," may maliit na ngiting saad ko.

"Mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka," may matamis na ngiting saad ni Catherine.

"Tumpak ka dyan, Cath," saad ni Wendy sabay thumbs up pa.

"Para nga akong natomboy noong una kong makita siyang ngumiti," natatawang saad naman ni Arianna. Hindi ko mapigilang mapamulahan ng mukha dahil sa mga puri nila. Hindi ako sanay.

"Stop flattering me, I am embarrassed," sagot ko at umiwas ng tingin. Tumama naman ito sa lalaking nakaupo mag-isa sa gilid.

He looked pissed because of his clenched jaw. Mukhang kanina pa siya nakatitig sa'kin kaya mas lalo pang namula ang mukha ko.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon