Chapter 20

7.5K 137 5
                                        

Seraphina's POV

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil ang naaalala ko lang ay pagkatapos kong magbihis, naisipan kong humiga muna sa malambot na kama dito sa kwarto pero hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kaya ngayon ay mag-isa akong naglalakad sa napakalawak na palasyong ito para hanapin ang mga kasama ko.

Napakagandang titigan ang kulay kahel na langit na nakikita ko sa mga bintanang nadadaanan ko. Kung hindi ko lang sila hinahanap, baka tumambay na ako sa bintana para panoorin ang langit.

Kinatok ko naman kanina si Flynn sa kwartong kung saan siya natulog, pero iniwan na ata ako. I don't know where I am going, and I know that's my karma for not paying attention earlier. This is so frustrating!

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Wala pa naman akong makitang maid servant para pagtanungan sana, but I will still try my luck bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Tuloy-tuloy lang akong naglalakad habang pinapakinggan kung may marinig man akong boses ng kahit sino sa kanila, and I guess luck is on my side.

"Sera? What are you doing here and why are you alone?" tanong ni Elijah na kalalabas lang sa isang kwartong malalagpasan ko na sana. Mukhang kabibihis niya dahil basa pa ang buhok niya.

"I'm trying to find the others and Flynn left me so I'm alone." Teka, bakit tunog nagsusumbong ako?

"I mean, I think Flynn knows I fell asleep so he left me." Napakunot ang noo ko. Teka nga, bakit ako nage-explain? Nakita niya ata ang ekspresyon ko sa mukha dahil natawa siya.

"Nasa garden na silang lahat. I thought you are already there. Halika na, sabay na tayo baka nagsisimula na sila," he said.

"Nagsimula?" Nagtatakang tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"The feast," nakangising sagot niya. Feast. Ah oo nga pala, feast yung sinabi ng ama niya kanina. What the hell is happening with me? Kailan pa ako naging malilimutin?

"You ok? If you are still thinking what my mother had said, just don't mind her, ganun talaga siya." Does he think I'm that affected? I chuckled. Nagtaka siyang napatingin sa akin.

"Assumero. I'm not thinking about it, ok? Wala na sa akin yun. I know she is not serious. Wala lang talaga ako sa sarili ko."

Nailang naman ako sa paraan ng pagtitig niya kaya umiwas ako ng tingin. Bakit ganyan siya makatingin?

"How can you know she is not serious?" seryosong tanong niya.

W-What? Don't tell me...

"Hindi naman siya seryoso, 'di ba?" kinakabahang tanong ko. It would be a problem if ever. I won't bow down to anyone kahit pa reyna at hari sila, kapag pinilit niya ako. Ayaw ko pa namang mag-cause ng trouble. Tsaka kung pipilitin talaga nila ako, how about Flyn- Wait what? What the hell am I thinking?! Napatigil ako sa paglalakad dahil sa malakas na halakhak na narinig ko.

"You should have seen your face. Pfff I-It was priceless." Halos hindi na niya makumpleto ang sinasabi niya dahil sa kakatawa. Hinampas ko siya dahil sa inis.

"Huwag mo nga akong pagtripan," naiinis na saad ko.

Napatigil ako sa paghampas kay Elijah dahil sa mariing titig na naramdaman ko. Dahan-dahan akong sumilip kung saan nanggagaling ang naramdaman kong titig. Napalunok ako. Mukha siyang papatay sa itsura niya. Nakatingin kay Elijah ang madilim at malamig na tingin niya bago ito lumipat sa akin. Kung kanina mukha siyang papatay, ngayon naman walang kahit anong emosyon ang makikita sa mata niya. Alam kong lagi naman na walang emosyon ang mga mata niya kapag ibang tao ang kaharap niya, pero kapag sa akin, kahit papaano may nakikita naman akong emosyon but right now...

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon