Chapter 25

6K 132 1
                                        

Seraphina's POV

Pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng mga taong nadadaanan namin dahil sa mga kasama kong akala mo ay modelo kung maglakad.

We sold some of their jewelry at the pawnshop that we saw earlier. Mabuti na lang at pumayag sila. How can they not, eh barya lang naman ang mawawala sa kanila. Ako ang nakahawak sa maliit na bag kanina kung nasaan ang pera pero natakot ako noong lumabas kami kaya ipinahawak ko ito kay Flynn, malaking pera pa naman iyon, baka mamaya ay nakawin pa. At least kay Flynn, mas malakas siya at mas mabilis ang reflexes niya if ever man na may magnakaw.

"Malayo pa ba, Sera?" Ikatlong beses na atang tanong ni Arisson kaya napairap ako. Daig niya pa kaming mga babae kung makareklamo. Kanina pa kami naghahanap ng hotel na puwedeng tuluyan pero nahirapan kami dahil punuan ang iba.

After almost ten minutes, may nakita akong malaking letter H sa isang building kaya pinuntahan namin ito.

Serenity Suites. ‘Yan ang nakalagay sa ibabang parte ng letter H. Napaka-sosyal naman nito pero kahit ganoon ay hindi ako nag-alangang pumasok. The hotel screams luxury pero hindi ko pinansin ito. Nagtungo ako sa front desk. Nasa likod lang ang mga kasama ko at manghang-mangha na naman, while Flynn is on my side.

"Good day, ma'am. How can I help you?" the girl on the front desk greeted me, but her eyes are busy checking out the man beside, so I cleared my throat to get her attention. Hindi naman ako nabigo dahil nahihiya niyang ibinaling ang kanyang tingin sa akin.

"Is there eleven rooms available?" tanong ko.

"I'm sorry, ma'am, but we currently have only five rooms available." Napaisip naman ako sa sinabi nito, puwedeng by twos na lang at sa isa ay tatlo.

"I'll take all five rooms, please," saad ko.

"Alright. I'll arrange that for you. Could you please provide a form of payment?" Binigay niya ang mga keycards para sa mga rooms namin after ko magbayad. Magkakatabi lang mga kwarto kaya hindi kami nahirapang hanapin ito. We decided na si Wendy at Arianna ang makakasama ko sa isang kwarto habang si Cath naman at Asara, Elijah and Flynn, Sebastian and Alexander, at last si William at Arisson.

We decided to rest muna bago kami gumawa ng plano para sa paghahanap kay Catalina. So I’m currently fixing my things at gan’un din ang ginagawa ni Arianna at Wendy.

"Grabe, nakakapagod palang mamangha," natatawang saad ni Wendy na sinang-ayunan naman ni Arianna.

"Magpahinga muna kayo. May pupuntahan ako. Tell that to others kung hanapin man nila ako," saad ko nang matapos akong mag-ayos ng gamit. Sabay silang napatingin sa akin dahil sa aking sinabi.

"Sama kami!" sabay pa nilang sambit pero umiling lang ako.

"Mabilis lang ako at tsaka mag-oorder na rin ako ng lunch natin sa labas." They looked defeated because of what I said.

I sighed. "I need to do something that will help us finish our mission quickly, so please behave yourselves at huwag kayong lalabas ng hotel." Napanguso pa sila ng sabay kaya inirapan ko sila at nagtungo sa pintuan.

"I'll get going," saad ko bago ako lumabas.

May nadaanan kami kaninang studio where maybe I can pay someone to draw Catalina’s face. So I decided to go.

Sketch & Smile. That's the name of the studio. Napaka-colorful ng loob, ang daming drawings sa mga pader. Napansin ako ng isang babae kaya lumapit siya sa akin.

"Welcome to Sketch and Smile, ma'am! Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya ang sadya ko. Pinapasok niya ako sa isang room where I saw a man sitting.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon