Chapter 37

5.6K 101 3
                                        

Seraphina's POV

We sat at our usual table here in the cafeteria. Wala kang kahit anong maririnig na ingay kundi ang mga tunog ng kutsara at pinggan lang.

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip tungkol sa narinig ko kahapon. I want to talk to Catalina but I can't face her. Mas nanaig ang hiya na aking nararamdaman dahil sa aking nagawa, and besides, ang sabi niya ay natatakot siya. Ayaw ko nang dagdagan ang takot na nararamdaman niya kapag lalapit pa ako sa kanya.

I was trying to focus on my breakfast when I felt their presence coming closer. Napaangat ako ng tingin.

Aiden is walking with Fiona towards us, their hands intertwined. He barely glanced in my direction as they sat down in front of me. Ipinanghila niya pa si Fiona ng upuan.

"Good morning everyone!" Fiona said, her voice is sweet as honey. Umiwas ako ng tingin nang dumapo ang mata niya sa akin.

"Good morning, Fiona! How was your sleep?" Catherine asked. She was smiling at Fiona sweetly.

"It was good! Flynn accompanied me until I fell asleep yesterday." She looked at Aiden, who was looking at her softly like she is a delicate glass that needs to be protected.

Napayuko ako. My heart felt like it was being torn apart. Bakit ang sakit?

As I picked at my food, I couldn't help but listen to their conversation.

"Aww, that's so sweet." I heard Fiona giggle dahil sa sinabi ni Catherine.

"Baka naman hindi lang natulog ang ginawa niyo, bro?" Napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa sinabi ni Sebastian. Natahimik ang iba habang hinihintay ang sagot ni Aiden.

"What do you think?" Napapikit ako nang mariin. I tried my best not to show that what I heard affected me.

"Ubusin mo na ang nasa pinggan mo then alis na tayo, babe." Rinig kong bulong ni Arisson na nasa aking tabi. I glanced at him. Umiling ako, hindi pwedeng lagi na lang akong tumatakas. I don't want them to see me as a coward.

"Flynn! Nakakahiya..." Nabaling ang aking tingin kay Fiona. She was blushing. I kept my expressionless face nang lumipat ang aking tingin kay Aiden, who was looking at us coldly.

I didn't avoid his gaze. Hinintay kong siya ang umiwas ng tingin at hindi naman ako nabigo. I won't give him the satisfaction by seeing me hurting.

"Ang bilis niyo ha, ilang araw pa lang kayong nagkakilala." Nangaasar ang tinig ni William.

"Ilang araw pa lang pero pakiramdam ko ilang taon na." Fiona's eyes are twinkling.

"Ganun ba yun? Is that really what you feel towards Aiden? Kasi sabi ni Mr. Castro na parang may bond daw kayong mararamdaman sa isa’t isa?" It was Wendy who asked that question. Napatingin ako sa kanya. She was seriously looking at Fiona. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Fiona pero nakita ko ang pagdaan ng inis sa kanyang mga mata.

"Why do I feel like you are doubting me?" Fiona pouted. "Magtatampo na ako, Wendy ha. Siyempre I feel the bond with Flynn... Diba, babe?" She smiled adoringly. Tumango si Aiden. I saw Fiona secretly smirk. Napakunot ang noo ko. What is that smirk for?

"Why would she doubt you, Fiona? Wala namang kahina-hinala sa'yo... You have all the qualities of the woman in the prophecy." I saw Catherine swiftly glance at me. Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nila.

"Omo! I almost forgot." I glanced at Fiona.

"Nabanggit ni tita Farah sa akin na may magaganap daw na ball next week." Tita Farah? Fiona looked at me at mukhang nasiyahan sa nakitang pagkalito sa aking mukha.

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon